Archive of Articles

Multi-trilyong badyet para sa diktadura
September 07, 2019

Badyet para sa kapayapaan at pag-unlad—ganito inilarawan ng rehimeng US-Duterte ang panukalang P4.1 trilyong panukalang pambansang badyet para sa 2020. Ngunit malayo ito sa katotohanan. Ang multi-trilyong badyet ng reaksyunaryong gubyerno ay nakalaan para sa pangungurakot, pagpondo sa anti-mamamayang mga programa at proyekto, at pagpapaigting ng pasismo. Ang P4.1 trilyong panukalang badyet para sa 2020 […]

Korapsyon sa E-CLIP, laganap
September 07, 2019

SA NORTH EASTERN MINDANAO Region (NEMR), iniulat ni Maria Malaya na umaabot sa P60,000 ang naibubulsa ng bawat upisyal ng AFP sa kanilang mga palabas ng pekeng pagpapasurender. Sa ulat ng ilang mga barangay at komunidad sa rehiyon, pinangangakuan ang mga napipilitang sumuko nang P65,000 bawat isa. Ang totoo, mayorya sa kanila ay walang natatanggap. […]

Paaralang Bakwit, nagbukas sa Quezon City at Davao
September 07, 2019

NAGBUKAS NOONG Setyembre 2 sa University of the Philippines-Diliman sa Quezon City ang Bakwit School (Paaralang Bakwit) para sa kasalukuyang taon. Nasa 50 mag-aaral na Lumad, kanilang mga guro at lider ang dumalo sa aktibidad. Samantala, 155 mag-aaral ang dumalo sa pagbubukas ng Bakwit School sa UCCP Haran sa Davao City. Ayon sa administrasyon ng […]

Konsultant ng NDFP, iligal na inaresto
September 07, 2019

ILIGAL NA INARESTO noong Agosto 23 ng pinagsanib na mga elemento ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines si Esterlita Suaybaguio, 60, sa Cubao, Quezon City. Si Suaybaguio ay konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa pakikipag-usapang pangkapayapaan nito sa GRP. Inaresto siya base sa itinanim na ebidensyang baril […]

Welga sa Monde Nissin, tagumpay
September 07, 2019

TAGUMPAY ANG IKALAWANG welga ng mga manggagawa ng Monde Nissin noong Agosto 27 matapos magkasundo ang Monde Nissin Labor Association-LIGA (MNLA-LIGA) at maneydsment kaugnay sa isyu ng pagtatanggal sa 176 manggagawa. Kabilang sa napagkasunduan ay pagbabayad ng maneydsment nang di bababa P100,000 na separation pay sa bawat sinisanteng kontraktwal na manggagawa. Una nang nagwelga ang […]

Presyo ng palay, bumagsak sa P7
September 07, 2019

SUMADSAD TUNGO SA pinakamababang halaga na P7/kilo ang presyo ng lokal na palay noong Agosto mula sa pinakamataas na P22-24/kilo noong nakaraang taon. Ito ay matapos bahain ang merkado ng relatibong mas murang bigas mula sa labas ng bansa. Dahil dito, bumagsak ng 1.27% ang produksyong agrikultural sa pangalawang kwarto ng taon, pinakamababa sa nakaraang […]

Mga magsasaka ng tabako, ginigipit
September 07, 2019

Kinundena ng Solidarity of Peasants Against Exploitation (Stop Exploitation) ang pagbabansag sa kanila ni Lt. Col. Charles Castillo ng 81st IB bilang ligal na prente ng PKP-BHB. Ginawa ito ni Castillo matapos ang dayalogo ng grupo ng mga magsasaka at ng militar sa upisina ni Gov. Ryan Singson sa kapitolyo ng Ilocos Sur noong Agosto […]

Mga kriminal, pinalaya ng rehimeng Duterte
September 07, 2019

MAHIGIT 1,700 kriminal na nahatulan sa karumal-dumal na mga krimen ang pinalaya ng rehimeng Duterte sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA). Isinasaad sa batas ng GCTA na maaaring makalaya nang mas maaga ang mga bilanggo, kahit yaong hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo, kapag magpakita ang mga ito ng maayos na ugali. Nalantad ang […]

Paglaban ng mga West Papuan para sa pambansang paglaya
September 07, 2019

Libu-libong mamamayan ng West Papua ang tuluy-tuloy na naglunsad ng demonstrasyon mula pa Agosto 17. Unang ikinasa ng mga Papuan ang mga rali kasabay ng pambansang araw ng kalayaan ng Indonesia para manawagan ng pambansang paglaya at sesesyon (paghihiwalay sa Indonesia bilang bansa). Imbis na tugunan ang kanilang panawagan, nagdeploy ang gubyerno ng Indonesia ng […]

Armed actions against all-out war in Bicol
August 21, 2019

More than 20 coordinated military actions were mounted by the New People’s Army (NPA)-Bicol across the region on August 19-21. These include the ambush against Philippine National Police operatives in Barangay Alegria, Pio V. Corpuz, Masbate, wherein seven were wounded. Enemy camps in Sorsogon and Legazpi City were also harassed. Earlier, 33 soldiers were killed […]