Noong gabi ng Hulyo 25, pinasok ng armadong kalalakihan ang kubo ng pamilyang Ocampo sa Barangay San Jose, Sta. Catalina, Negros Oriental. Binaril at pinatay nila ang isang taong gulang na si Marjon at ang kanyang ama na si Marlon Ocampo na inaakusahan nilang sumusuporta sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Nasugatan dito ang asawa ni […]
Ang mag-asawang Manny at Cynthia Villar, kilala bilang lokal na dinastiya ng Las Pinas, kongresista at kasalukuyang senador ng reaksyunaryong gubyerno, ang may-ari ng Vista Land & Lifescapes na notoryus sa pang-aagaw at pagpapalit-gamit ng libu-libong ektaryang mga sakahan tungong mga subdibisyon (Camella Homes, Lumina Homes) at malalaking mall (Starmalls at Vista Malls). Noong 2008, […]
Sa ikatlong pagkakataon, muling tinukoy ni Rodrigo Duterte ang National Land Use Act (NLUA o batas sa pambansang paggamit ng lupa) bilang prayoridad na panukala ng kanyang rehimen sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 22. Iginiit ni Duterte na kinakailangan na itong kagyat na ipasa ng Kongreso bago matapos ang taon […]
SIYAM NA ORAS matapos ikasa ang kanilang ng welga noong Agosto 6, matagumpay na natulak ng mga manggagawang kontraktwal ng Monde Nissin Labor Association (MNLA–LIGA) ang maneydsment ng Monde Nissin Corp. na makipagnegosasyon hinggil sa kanilang panawagang regularisasyon. Inilunsad ang welga bilang tugon sa terminasyon ng kontrata ng siyam na manggagawa nito noong nakaraang linggo. […]
Sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Rodrigo Duterte noong Hulyo 22, naiulat na umabot sa 50,000 ang lumahok sa mga rali laban sa kanya sa mga sentrong lunsod sa buong bansa. Kinundena ng mga raliyista ang sukdulang pagtataksil ni Duterte at ipinanawagan ang pagpapatalsik sa kanya dahil sa kanyang pagsuko sa […]
Taliwas sa ipinagmamayabang ni President Rodrigo Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address, hindi totoong naisakatuparan na ang repormang agraryo sa isla ng Boracay sa Aklan. Ang totoo, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naipapamahagi ang 18 ektaryang lupain na isinailalim sa repormang agraryo sa mga benepisyaryo nito. Ayon kay Department […]
MATAPOS ANG MAHIGIT apat na taong pakikibaka, nagkamit ng tagumpay ang mga manggagawa ng Kentex noong Hulyo 26. Ito ay matapos maglabas ang Korte Suprema ng kautusan sa Kentex Manufacturing Corp. na bayaran ng P1.44 milyon ang 57 manggagawang nakaligtas sa pagkasunog ng pagawaan nito ng tsinelas noong Mayo 13, 2015. Pitumpu’t dalawang manggagawa ang […]
Limahid sa dugo ang isla ng Negros. Walang tigil na bumubuga ng laksang punglo si Rodrigo Duterte laban sa mga walang kalaban-labang mamamayan. Muling naglunsad ang kanyang mga death squad sa isla ng sunud-sunod na pagpatay ng karaniwang mamamayan sa nakaraang buwan. HIndi bababa sa 16 ang pinaslang, kabilang ang isang dating meyor, isang halal […]
Download the issue herePilipino: PDF | EPUB | MOBIEnglish: PDF | EPUB | MOBIBisaya: PDF | EPUB | MOBIHiligaynon: PDF | EPUB | MOBIWaray: PDF
Kabilang sa mga winasak ng ikalawang digmaang pandaigdig, ang mayor na linya ng pampublikong transportasyon sa bansa. Bilang pansamantalang solusyon, ilan sa mga Pilipino ang namuhunan sa pagkukumpuni ng sira-sirang mga dyip na ginamit ng mga Amerikanong sundalo. Ang kauna-unahan at noo’y pinakamalaking nagmamanupaktura ng dyip ang kumpanyang Sarao Motors. Naitatag ito noong 1953 ng […]