Archive of International

Alyansa laban sa mga imperyalistang gera, nanawagan ng mga pagkilos laban sa NATO
June 23, 2022

Sa isang porum noong Hunyo 22 sa Paris, France, nanawagan ang International Coordinating Network ng Resist US-led War Movement para sa paglulunsad ng mga protesta laban sa gaganaping pagtitipon ng mga bansa sa ilalim ng North Atlantic Treaty Organization sa Madrid, Spain sa darating na Hunyo 28 hangggang 30. “Nananawagan kami para sa paglalansag sa […]

Sapilitang paglilipat sa tagapagtatag ng WikiLeaks tungo sa US, inaprubahan ng UK
June 20, 2022

Pinirmahan na ng gubyerno ng United Kingdom noong Hunyo 17 ang utos para sa extradition o sapilitang paglilipat sa US kay Julian Assange, isang mamamahayag at kilalang tagatapagtatag ng Wikileaks. Ito ang resulta ng ilang taon nang pambabraso ng US para isuko ng UK si Assange para ikulong sa US. Bago nito, tumanggi ang isang […]

Sapilitang pagrerekrut ng kabataan sa militar, kinundena ng mga komunista sa India
June 20, 2022

Mahigpit na kinundena ng Communist Party of India (CPI)-Maoist ang pakana ng reaksyunaryong estado sa India ng sapilitang pagrerekrut sa kabataan. Tinawag na Agnipath, layunin nitong palakasin ang pasistang makinarya ng estado laban sa mamamayan. Kinundena rin nito ang mararahas na pambubuwag ng pulis sa mga protesta laban sa pakana na kumalat na sa 14 […]

Anti-neoliberal na presidente, nahalal sa Colombia
June 20, 2022

Sa kauna-unahang pagkakataon, nahalal sa Colombia ang isang presidente na tinaguriang maka-Kaliwa dulot ng kanyang progresibong paninindigan laban sa neoliberalismo at para sa kalikasan, kababaihan at LGBT. Nanalo sa eleksyon noong Hunyo 19 si Gustavo Petro, kasama ng kanyang bise-presidente na si Francia Marquez, laban sa karibal na pulitikong bilyunaryo. Si Petro ang pinakahuli sa […]

Pambansang welga sa Ecuador, nasa ika-3 araw na
June 16, 2022

Tatlong araw na ang Paro Nacional o pambansang welga ng mamamayang Ecuadorian laban sa neoliberal na mga patakarang ipinatutupad sa kanilang bansa. Sa pangunguna ng Confederación de Nacionalidades Indígenas (Conaie), isang pederasyon ng mga grupong katutubong Ecuadorian, libu-libo ang humugos sa iba’t ibang lansangan para pigilan ang pagdaan ng mga sasakyan at tao. Pinaralisa nila […]

Ika-9 na Kongreso ng grupong Freedom Road Socialist Organization, inilunsad
June 05, 2022

Nagtapos kamakailan ang ika-9 na Kongreso ng Freedom Road Socialist Organization (FRSO), isang rebolusyonaryong organisasyon sa US, na may temang ‘Sunggaban ang pagkakataon, maliwanag ang hinaharap! (Seize the time, the future is bright!) Nagpaabot ng mensahe ng pakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa isinagawang kongreso ng FRSO. Para sa FRSO, ang pagtatapos ng […]

Supertubo ng mga monopolyo ng langis, lumaki nang 300% dulot ng gera sa Ukraine
June 04, 2022

Tatlong beses na lumaki ang tubo ng limang pinakamalalaking kumpanya ng langis sa mundo para sa unang kwarto ng 2022, ayon sa isang ulat na inilabas ng Center for American Progress (CAP) noong Mayo 18. Ito ay matapos sumirit ang presyo ng mga produktong petrolyo bunga ng ispekulasyon sa merkado dulot ng imperyalistang gera na […]

Samahan ng mamamahayag sa Asia-Pacific, itinatag
June 04, 2022

Binuo noong Mayo 31 ng mga grupo ng mamamahayag sa rehiyong Asia-Pacific ang isang pederasyon na magtataguyod ng laban para sa kalayaan sa pamamahayag, pagpapalakas ng ekpresyon sa mga platapormang digital at paglaban sa panggigipit sa midya sa rehiyon. Itinatag ang Federation of Asia-Pacific Journalists (FAPaJ) ng mga organisasyong kasapi ng pandaigdigang organisasyong International Federation […]

Midya, nangangamba sa pag-upo ng rehimeng Marcos II
May 28, 2022

Nanawagan ang grupo ng mga mamamahayag sa rehimeng Ferdinand Marcos Jr. na igalang nito ang kalayaan sa pamamahayag sa bansa at huwag ibayong gipitin. Inilabas ang pahayag matapos ang limitadong akses at mistulang pagsasantabi sa midya sa isinagawang kumperensya ni Marcos Jr. noong Mayo 26. Tatatlong istasyon sa telebisyon ang inimbitahan ni Marcos Jr. sa “press conference” kung […]

Anak ng diktador, hinirang na ika-17 pangulo ng Pilipinas
May 28, 2022

Naiproklama na ng Kongreso ang anak ng diktador na si Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng bansa noong Mayo 25. Nauna sa kanya ang proklamasyon kay Sara Duterte, anak ng tiranikong si Rodrigo Duterte at alkalde ng Davao City, bilang bise presidente. Binansagan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang upisyal na proklamasyong ito bilang […]