Archive of International

Ika-50 taong anibersaryo ng Bloody Sunday, ginunita sa Ireland
February 02, 2022

Nagmartsa ang daan-daang mamamayan sa Derry, North Ireland para gunitain ang ika-50 taong anibersaryo ng masaker ng mga sundalong British sa mga nagpoprotestang Irish noong Enero 30, 1972 na kinilala bilang “Bloody Sunday.” Sa masaker na ito, 13 ang agad na napatay at isa ang kalauna’y namatay dulot ng mga sugat na tinamo sa pamamaril. […]

Paniningil ng mga magsasaka sa gubyernong Modi ng India, suportado ng CPI (Maoist)
February 01, 2022

Nagpahayag ng suporta ang Communist Party of India (CPI)-Maoist sa protesta ng mga magsasaka noong Enero 31 laban sa pagtalikod ng gubyernong Modi sa mga pangako nito. Tinawag ang protesta bilang “Vishvasghat Diwas” o “Araw ng Pagtataksil.” Hinikayat ng Komite Sentral ng CPI-Maoist ang mga magsasaka at mamamayan ng bansa na ipagtagumpay ang naturang protesta. […]

Sangsyon kontra NTF-Elcac, mga upisyal ni Duterte, hiningi sa kongreso ng US
January 31, 2022

Umapela ang 24 Amerikanong mambabatas sa administrasyong Biden na patawan ng sangsyon ang anim na kasalukuyan at nakaraang upisyal sa seguridad ng rehimeng Duterte na may malalalang rekord ng paglabag sa karapatang-tao. Ang sumusunod ang mga upisyal na nais patawan ng sangsyon ng mga mambabatas: 1) Delfin Lorenzana, kalihim ng Department of National Defense 2) Hermogenes […]

107 patay, karamihan sibilyan, sa pambobomba ng Saudi sa Yemen
January 26, 2022

Hindi bababa sa 107 ang sibilyan at kasapi ng grupong Houthi ang namatay habang daan-daan ang sugatan sa serye ng walang patumanggang mga air strike ng koalisyong militar na pinangungunahan ng Saudi Arabia sa hilagang Yemen noong Enero 17 at 21. Direktang tinarget ng mga pag-atakeng ito ang matataong mga lugar sa bansa at mga […]

Pag-uunyon ng mga manggagawa ng Amazon, umaarangkada sa US
January 14, 2022

Nagpapatuloy ang mga pagkilos at pagbubuo ng unyon ng mga manggagawa ng Amazon sa US para igiit ang makataong kundisyon sa paggawa at dagdag sahod sa mga iba’t ibang mga pasilidad nito. Ang mga nag-uunyon ay nasa larangan ng e-commerce o pagbebenta sa pamamagitan ng internet at nagtatrabaho sa mga bodega. Pinakahuli rito ang koordinadong […]

Dambuhalang mga protesta sa Kazakhstan laban sa taas-presyo, katiwalian
January 11, 2022

Sumiklab noong Enero 2 ang malawakang mga protesta sa Kazakhstan na nilahukan ng puu-puong mamamayan para tutulan ang pagsirit ng langis kasunod ng pagtanggal ni Pres. Kassym-Jomart Tokayev ng kontrol sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG). Maliban sa pagdoble ng presyo ng LPG, natulak ang mamamayang Kazakh na magprotesta para labanan ang laganap at […]

Striketober: Magkakasunod na tagumpay, inani ng kilusang manggagawa sa US
January 07, 2022

Nagkamit ng mayor na mga tagumpay ang mga manggagawa sa dalawang multinasyunal na korporasyon sa US. Bumalik na sa trabaho ang nagwelgang mahigit 10,000 manggagawa sa John Deere at 1,400 sa Kellogg’s matapos makamit ang hinihinging karagdagang sahod at benepisyo. Bahagi ang mga manggagawa ng Striketober, kilusang welga na sumiklab sa iba’t ibang bahagi ng […]

Mga bakunang halos paso na ang ipinamimigay ng mga kapitalistang bansa sa atrasadong mga bansa
January 01, 2022

Mga bakunang malapit nang mapaso ang ipinamimigay ng mga kapitalistang bansa sa atrasadong mga bansa tulad ng Pilipinas. Ito ang nalantad matapos ulanin ng puna ang US, UK at iba pang malalaking kapitalistang bansa sa pagsusubi ng milyun-milyong dosis na nagresulta sa tagibang na distribusyon ng bakuna. Binabatikos din ang pagtanggi ng mga ito na […]

Elon Musk, pinakayamang parasitiko sa mundo
January 01, 2022

  Simula Setyembre ngayong taon, tuluyan nang inungusan ni Elon Musk, may-ari ng kumpanyang Tesla, si Jeff Bezos, may-ari ng Amazon, bilang pinakamayamang indibidwal sa mundo. Noong Oktubre 25, tumaas ang kanyang halaga nang $25.6 bilyon sa loob lamang ng isang araw matapos ibalita ang plano ng kumpanyang Hertz na bumili ng 100,000 sasakyang gawang […]

Sunud-sunod na pambobomba ng Turkey sa Rojava
January 01, 2022

  Umiigting ang brutal at interbensyunistang agresyon ng armadong pwersa ng Turkey sa mga hangganan nito at ng hilagang-silangang Syria (sa rehiyon ng Rojava) na pinangangasiwaan ng Kurdish Democratic Union Party (PYD). Sa nakalipas na dalawang linggo, nagsagawa ang Turkey ng dalawang serye walang patumanggang panganganyon at pambobomba sa prubinsya ng Hasakah kahapon at noong […]