Archive of Publications

Silyab | Bakuna hindi diktadura (Leaflet)
March 03, 2021

Download here Bikolano: PDF Pilipino: PDF

Datos | February 2021
February 28, 2021

Download the issue here Pilipino: PDF

Pokus | February 2021
February 28, 2021

Download the issue here Pilipino: PDF

Kalatas February 2021 | Editoryal: Ikonsentra ang lakas ng mamamayan at gapiin ang terorismo ni Duterte!
February 28, 2021

Makasaysayan ang buwan ng Pebrero dahil dito ginugunita ang pag-aalsang EDSA People Power I na nagpabagsak sa diktador na si Marcos. Pinatunayan nito ang lakas at kapangyarihan ng sambayanan na hindi kayang gapiin ng anumang makabagong sandata o kamay na bakal ng estado. Nagpupunyagi sila sa harap ng pasismo at terorismong inihahasik ng estado. Hindi […]

Kalatas February 2021 | Kapit-bisig: Sama-samang paglaban ng mga magsasaka ng Hacienda Yulo
February 28, 2021

Pananakot, pambubugbog, pagpapalayas, panununog, pagbabanta sa buhay. Lahat ng ito’y dinaranas ng mga magsasaka ng Hacienda Yulo sa kanilang maigting na pakikibaka laban sa mga mangangamkam ng kanilang lupang sakahan at panirikan. Nito lamang Enero, sunud-sunod ang mga insidente ng panghaharas sa mga residente at mga lider rito. Halos araw-arawin ng mga inupahang maton ng […]

Kalatas February 2021 | Ilantad at biguin ang mapanlinlang na BDP sa TK
February 28, 2021

Ipinatutupad ngayon ng rehimeng US-Duterte ang pinakabago nitong pakanang pansaywar laban sa mamamayan. Ito ang proyektong Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). At tulad ng mga nauna nitong programang “kontra-insurhensya”, nakatakda rin itong biguin ng mamamayan. Ang pakanang BDP ay tanda ng kabiguan ni Duterte at […]

Kalatas February 2021 | Tugon ni Patnubay de Guia: Ano ang papel ng midya sa panahon ng tiranya at terorismo?
February 28, 2021

Trabaho ang dahilan kaya napadpad si Ronnie Villamor, 50, sa Barangay Matanglad, Milagros, Masbate. Si Villamor ay mamamahayag para sa lokal na tabloid na Dos Kantos Balita, at naroon siya para subaybayan ang sigalot sa lupa na kinasasangkutan ng isang Randy Favis. Naunsyami ang nakatakdang sarbey sa lupa dahil hindi pumayag si Favis. Mula sa […]

Kalatas February 2021 | Rehimeng Duterte, bahag ang buntot sa paghahari-harian ng China sa WPS
February 28, 2021

Kahit sa gitna ng pandemyang COVID-19, nagpapatuloy ang pananalasa at pag-angkin ng China sa West Philippine Sea (WPS). Subalit nananatiling bahag ang buntot ng gubyernong Duterte sa walang-tigil na pagyurak ng China sa pambansang soberanya at patrimonya ng Pilipinas. Bagong batas ng China Paulit-ulit na binabalewala ng China ang desisyon sa Arbitral Tribunal sa ilalim […]

Kalatas February 2021 | Lider-magsasaka, hinuli sa Occidental Mindoro
February 28, 2021

Iligal na inaresto ng magkakasamang sundalo’t pulis si Genalyn “Ate Neneng” Avelino, isang lider-magsasaka sa kanyang bahay sa Rizal, Occidental Mindoro noong Pebrero 23 ng hapon. Hinuli si Ate Neneng sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng Regional Trial Court Branch 43 sa Roxas, Oriental Mindoro. Hinaharap niya ang gawa-gawang kasong rebelyon. Kilalang […]

Kalatas February 2021 | Mga komunidad sa Bacoor, dinahas ng mga goons ng ahente ng lupa
February 28, 2021

Muling dumanas ng pandarahas ang mga residente ng Sitio Bagong Silangan, Brgy. Niog 1 at Brgy. Talaba 7, Bacoor City, Cavite noong Enero 28 at 29 mula sa mga goons ni Ana Marie G. Pagtakhan o mas kilala sa pangalang Amy Gawaran. Si Pagtakhan ay ahente ng lupa na malaon nang nagpapalayas sa mga residente […]