Archive of Transportation Sector

Kampuhan kontra PUV phaseout, itinayo sa upisina ng LTFRB
December 14, 2023

Sa unang araw ng tigil-pasada ng mga tsuper at opereytor, nagtayo ng kampuhan ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) at No To PUV Phaseout Coalition sa harap ng upisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City para tutulan ang anti-mahirap na public utility vehicle (PUV) phaseout. […]

Mga tsuper sa UP-Diliman, nagtigil-pasada
December 13, 2023

Nagtigil-pasada noong hapon ng Disyembre 13, ang mga tsuper ng dyip sa rutang dumadaan sa kampus ng University of the Philippines (UP)-Diliman. Inilunsad at pinangunahan ito ng UP Transport Group (UPTG), isang araw bago ang nakatakdang dalawang araw na pambansang tigil-pasada kontra sa Public Utility Vehicle (PUV) phaseout sa pangunguna ng Pagkakaisa ng mga Samahan […]

Nalalapit na phaseout ng dyip, sasalubungin ng pambansang tigil-pasada
December 13, 2023

Muling magkakasa ng dalawang araw na tigil-pasada ang mga drayber at opereytor ng dyip sa pamumuno ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) sa darating na Disyembre 14-15. Panawagan ng grupo na ibasura ang pakanang phaseout sa mga dyip sa tabing ng bogus na programa sa modernisasyon at sapilitang konsolidasyon ng […]

Piston to hold nationwide strike as jeepney phaseout deadline nears
December 13, 2023

Drivers and operators will once again conduct a two-day transport strike led by Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) on December 14-15. The group demands to scrap plans to phaseout jeepneys under the veil of the deceptive modernization program and mandatory franchise consolidation. The Marcos regime’s pronouncement last December 12 that […]

Daan-daang drayber at opereytor, nagmartsa tungong Mendiola kontra PUV phaseout
November 23, 2023

Nagmartsa ang mahigit isanlibong drayber at opereytor ng dyip at mga public utility vehicle (PUV), mga manggagawa, maralita at iba pang sektor mula sa Welcome Rotunda tungong Mendiola sa Maynila noong Nobyembre 22, huling araw ng tatlong-araw na tigil-pasada, para batikusin ang kontra-mahirap na sapilitang konsolidasyon sa prangkisa at phaseout sa mga dyip at PUV. […]

Tatlong araw na pambansang tigil-pasada, ikakasa ng mga drayber at opereytor
November 17, 2023

Inianunsyo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) noong Nobyembre 15 ang paglulunsad ng tatlong araw na pambansang tigil-pasada sa darating na Nobyembre 20-22 para igiit ang pagbabasura sa programang PUV modernization na magreresulta sa pag-“phaseout” sa mga sasakyang jeep. Naghahanda na sa tigil-pasada ang mga samahan sa ilalim ng Piston, […]

Koordinadong protesta kontra taas-presyo ng petrolyo, inilunsad
October 25, 2023

Nagsagawa ng koordinadong protesta ang mga drayber at opereytor ng dyip, kasama ang mga manggagawa at maralitang tagalunsod kahapon, Oktubre 24, para batikusin ang muling pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-13 pagkakataon mula noong Hulyo. Sa huling pagtataas, tinatayang umabot na sa ₱19/litro ang idinagdag sa diesel habang halos ₱14/liter ang nadagdag […]