Nagmartsa ang mahigit isanlibong drayber at opereytor ng dyip at mga public utility vehicle (PUV), mga manggagawa, maralita at iba pang sektor mula sa Welcome Rotunda tungong Mendiola sa Maynila noong Nobyembre 22, huling araw ng tatlong-araw na tigil-pasada, para batikusin ang kontra-mahirap na sapilitang konsolidasyon sa prangkisa at phaseout sa mga dyip at PUV. […]
Inianunsyo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) noong Nobyembre 15 ang paglulunsad ng tatlong araw na pambansang tigil-pasada sa darating na Nobyembre 20-22 para igiit ang pagbabasura sa programang PUV modernization na magreresulta sa pag-“phaseout” sa mga sasakyang jeep. Naghahanda na sa tigil-pasada ang mga samahan sa ilalim ng Piston, […]
Nagsagawa ng koordinadong protesta ang mga drayber at opereytor ng dyip, kasama ang mga manggagawa at maralitang tagalunsod kahapon, Oktubre 24, para batikusin ang muling pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-13 pagkakataon mula noong Hulyo. Sa huling pagtataas, tinatayang umabot na sa ₱19/litro ang idinagdag sa diesel habang halos ₱14/liter ang nadagdag […]