Pinagpupugayan ng Eduardo Dagli Command (EDC)-NPA Batangas ang kabayanihan ng anim na mga kasamang kadre ng Partido at pulang mandirigma ng NPA Batangas na sina Baby Jane “Ka Binhi” Orbe, Leonardo “Ka Mendel” Manahan, Maria Jetruth “Ka Orya” Jolongbayan, Joy “Ka Kyrie” Mercado, Precious Alyssa “Ka Komi” Anacta, at Allyssa “Ka Ilaya” Lemoncito. Kasama ding […]
Pinakamataas na pagpupugay ang ginagawad ng mga rebolusyonaryong kabataang Lagunense kay Alyssa “Ka Ilaya” Lemoncito, martir ng Timog Katagalugan at bayani ng sambayanan. Sa ikalawang anibersaryo ng kanyang pagkamartir, hamon sa lahat ng Lagunense na matuto sa dakilang aral ng kanyang buhay at isabuhay ang rebolusyonaryong diwa ng kabataan. Tunay na anak ng bayan si […]
Sa ikatlong taong anibersaryo ng kanyang pagpanaw, ipinapaabot ng kabataan at mga mag-aaral sa Eastern Visayas ang pinakamataas na Pulang saludo para kay Ka Jose Maria Sison! Sinasaluduhan namin siya sa kanyang pagiging tunay na rebolusyonaryo, dakilang komunistang guro, at tagapagsilbi ng masa. Sa murang edad, itinakwil ni Ka Joma ang kanyang uring pinanggalingan bilang […]
Ipinapaabot ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa Eastern Visayas ang taas-kamaong pagpupugay at pasasalamat kay Kasamang Jose Maria Sison, tagapangulong tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas, dakilang komunistang guro at tagapagtatag ng BHB, sa ikatlong taong anibersaryo ng kanyang pagpanaw. Sa nakaraang mahigit limang dekada, ang mga sulatin ni Ka Joma ay nagsisilbing […]
Pinakamataas na pagpupugay at pulang saludo ang inaalay ng Artista’t Manunulat ng Sambayanan-Baby Jane Orbe sa buhay at pakikibaka ni Jose Maria “Ka Joma” Sison, ang tagapangulong tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas. Si Ka Joma ay isang dakilang lider, dalubguro, gabay, at tanglaw ng rebolusyonaryong kilusan ng buong sambayanang Pilipino. Sa kaniyang pagkamatay, nananatili […]
Kaisa ng lahat ng aping mamamayan sa Pilipinas at sa buong mundo, taas-kamong nagpupugay ang mga rebolusyonaryong pwersa sa Eastern Visayas kay Ka Jose Maria Sison, tagapangulong tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas, dakilang komunistang guro, at bayani ng sambayanang Pilipino. Tatlong taon makalipas ang kanyang pagpanaw, ang buhay at mga aral na ipinamana niya […]
Ginugunita natin ngayon ang ika-3 anibersaryo ng pagpanaw ni Kasamang Jose Maria Sison, Tagapangulong Tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas, proletaryong rebolusyonaryo, internasyunalista, at bayani ng rebolusyong Pilipino. Hinding-hindi makakalimutan ng mamamayang Lagunense ang dakilang ambag ni Ka Joma sa daantaong hangarin ng sambayanang makamit ang ganap na paglaya ng bayan mula sa kuko ng […]
Pulang saludo at mataas na pagpupugay ang ipinapaabot ng Rodante Urtal Command kay Mormor “Ka Turing” Martines Arnesto, isa sa mga nabuwal sa desperadong aerial strike ng pasistang JTF-Storm at 78th IB sa bukirin na saklaw ng Nipa, Palapag, Northern Samar nitong nagdaang Nobyembre 29, alas-dos ng madaling araw. Kasamang nabuwal ni Ka Turing ang […]
Pula nga pagsaludar ngan hitaas ng pagkilala para kan Mormor “Ka Turing” Martines Arnesto, usa ha mga napatay ha desperado aerial strike han pasista nga JTF-Storm ngan 78th IB bukid nga lupgop han Nipa, Palapag, Northern Samar hini nga naglabay nga Nobyembre 29, alas dos han kaagahon. Kaupod ha namartir, ni Ka Turing an iya […]
Nagahatag sang taas-kamao nga pagpasidungog ang mga pulang hangaway sang Romeo Nanta Command-NPA kag bug-os nga rebolusyonaryong pwersa sa South Central Negros kay Rubin “Ka Marcos” Tingal nga naghalad sang iya kabuhi para pangapinan ang interes sang malapad nga masa. Napatay si Ka Marcos sadtong aga sa Disyembre 2, 2025 sa engkwentro sa tunga sang […]