Pagpupugay sa Buhay ng Dakilang Rebolusyonaryo na si Ka Joma Sison!
Isang mapulang paggunita at saludo ang ipinapahatid ng ARMAS–Tanya Domingo sa kaarawan ng dakilang lider, dalubguro, manunulat, at rebolusyonaryong si Ka Jose Maria Sison.
Sa kanyang buong buhay at kolektibong pamana, malinaw na ipinakita ni Ka Joma na ang rebolusyon ay isang malalim at matagalang pakikibaka sa larangan ng kaisipan, kultura, at sining. Sa kanyang buhay, mga akda at muling pgkakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas, iniambag niya ang masusing pag-aaral at pagsusuri na naglatag ng masinop na pag-angkop ng Marxismo-Leninismo-Maoismo sa kongkretong kalagayang panlipunan ng Pilipinas, at ang mahigpit na pag-uugnay ng teorya at praktika bilang batayan ng tunay na panlipunang pagbabago.
Sa kanyang kaarawan at sa paggunita ng Pebrero bilang Buwan ng Sining, higit na napapanahon ang pagbibigay-diin ang mahalagang papel ng sining bilang sandata ng mamamayan laban sa bulok na sistemang malakolonyal at malapyudal na patuloy na pinatitindi ng Imperyalismo, Pyudalismo at Burukrata Kapitalismo. Itinampok niya ang natatanging gampanin ng mga artista at manunulat ng sambayanan sa paglikha ng sining na nagsusulong ng Pambansa, Siyentipiko, at Pangmasang kultura na may mariing patnubay ng Marxismo-Leninismo-Maoismo.
Sa diwang ito, hamon sa atin na higit pang paghusayin ang paglikha, pagpukaw, pag-oorganisa, at pagpapakilos ng mga artista at manggagawang pangkultura sa kalunsuran, hanggang sa kanayunan. Palalimin ang ating pag-aaral at ang pagtanggap sa programa ng pambansa demokratikong rebolusyong bayan, sa pmamagitan ng matagalang digmang bayan.
Buong-panata at walang pasubaling sumapi sa Bagong Hukbong Bayan sa kanayunan at isulong ang pangkulturang rebolusyon. Gapiin ang mga kaaway ng sambayanan, at durugin ang pasistang estado sa gabay ng Partido Komunista ng Pilipinas.
Ating yakapin ang mga iniwang aral ni Ka Joma sa puspusang pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba. Kaisahin at hamigin ang malawak na hanay ng mamamayan at palakasin ang digmang bayan!
Mabuhay si Ka Joma!
Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang Pambansang Nagkakaisang Prente!