Archive of Politics and Socioeconomic conditions

Ang Bayan Dailies | December 2021
January 01, 2022

    Download: HTML version PDF

Elon Musk, pinakayamang parasitiko sa mundo
January 01, 2022

  Simula Setyembre ngayong taon, tuluyan nang inungusan ni Elon Musk, may-ari ng kumpanyang Tesla, si Jeff Bezos, may-ari ng Amazon, bilang pinakamayamang indibidwal sa mundo. Noong Oktubre 25, tumaas ang kanyang halaga nang $25.6 bilyon sa loob lamang ng isang araw matapos ibalita ang plano ng kumpanyang Hertz na bumili ng 100,000 sasakyang gawang […]

“Pinoys for Hire” pinagtibay sa bagong ahensya
January 01, 2022

Natupad ang balak ni Rodrigo Duterte na magbuo ng hiwalay na departamento para sa mga migranteng manggagawang Pilipino matapos niyang pirmahan kahapon ang Republic Act 11641. Binubuo nito ang Department of Migrant Workers (DMW) kung saan titipunin sa isang bubong ang pitong ahensya ng gubyerno na nangangasiwa sa pag-eeksport ng mga overseas Filipino workers (OFW). […]

Israel, imbwelto sa pagpaslang sa lider-militar ng Iran
December 29, 2021

  Sa unang pagkakataon, tuwirang nabunyag ang susing papel ng gubyerno ng Israel sa airstrike ng US na pumaslang sa lider militar ng Iran na si Gen. Qassem Soleimani sa Baghdad, Iraq noong Enero 3, 2020. Ang nasabing aksyong militar ay itinuturing na isang krimen sa digma at lantarang pagyurak sa pambansang soberanya ng Iraq at […]

Kontra-neoliberalismo na “milenyal” ang bagong presidente ng Chile
December 23, 2021

Nanalo si Gabriel Boric, isang 35-taong gulang na dating lider-estudyante, sa pangalawang serye ng eleksyong pampresidente sa bansang Chile noong Disyembre 19. Tinalo niya si José Antonio Kast, isang kongresista na kilalang tagapagtanggol ng pasista at neoliberal na mga patakaran ng dating diktador na si Augosto Pinochet. Tumakbo si Boric sa platapormang kontra-neoliberalismo. Tinagurian niya […]

₱1.4 trilyon pondong pang-imprastruktura, pinangangambahang “mawaldas” dahil sa kainutilan
December 23, 2021

Muling kinastigo ng Commission on Audit (COA) ang iba’t ibang mga ahensya ng rehimeng Duterte dahil sa kabiguan ng mga ito na mahusay na gamitin ang pondong nakalaan para sa mga proyektong pampubliko. Sa isang pahayag noong Disyembre 23, pinangambahan ng COA na mawaldas lamang ang ₱1.4 bilyong pondo dahil sa kawalang-aksyon ng 17 ahensya […]

Kaso kaugnay sa “naglalakbay na mga kalansay” sa Leyte, ibinasura
December 18, 2021

Ibinasura noong Disyembre 16 ang gawa-gawang kaso kaugnay sa pagpatay sa 15 indibidwal noong dekada 1980 at diumano’y pagtambak sa kanilang bangkay sa isang libingan sa Inopacan, Leyte. Ang desisyon na inilabas ng Mania Regional Trial Court Branch 32 ay nagmula sa “demurrer of evidence” o pagpapabasura sa ebidensya na isinampa nina Satur Ocampo, Rafael […]

Hawak ng 1% ang 40% yaman ng Pilipinas
December 15, 2021

Hawak ng 1% ng populasyon sa Pilipinas ang 40% kabuuang yaman ng bansa. Ito ang naging resulta ng pananaliksik ng Ibon Foundation kaugnay sa malawak na di pagkakapantay-pantay sa lipunang Pilipino. Sa bilang na ito, 2,919 ay mga bilyunaryo na may pinagsamang yaman na ₱8 trilyon. Ang 50 pinakamayayamang bilyunaryo ay may yamang ₱10 bilyon […]

Duterte, magreretiro na nga ba sa pulitika?
December 15, 2021

Sa pang-ilang ulit na, muling ipinahayag ni Rodrigo Duterte na “magreretiro na” siya sa pulitika. Sinabi ito ng Malacañang pagkaraang upisyal niyang iniatras ang kanyang kandidatura sa pagkasenador noong Disyembre 14. Ilang oras bago nito, upisyal na ring umatras sa kanyang kandidatura sa pagka-presidente sa eleksyong 2022 ang kanyang pinakamatapat na alagad na si Sen. […]

Kapitalistang di pagkakapantay-pantay, palala nang palala
December 13, 2021

Walang nagbago sa di pagkakapantay-pantay sa mundo sa usapin ng kita at yaman ngayon kumpara noong unang umusbong ang kapitalismo, dalawang siglo na ang nakararaan. Sa aktwal, lalupang lumaki ang agwat ng yaman sa pagitan ng mamamayan sa loob ng mga bansa, at sa pagitan ng mga gubyerno at pribadong sektor. Sa pananaliksik na pinamagatang […]