Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Panaigin ang hustisya para sa lahat ng biktima ng terorismo ng di-makatwirang gera ni Duterte!
September 04, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Ang malapyudal at malakolonyal na lipunang ito ay buntis sa krisis at walang kapugtuang pang-aapi at pagsasamantala. Ilinuluwal nito ang mga rebolusyonaryo at ang diwang lumaban. Araw-araw, hinaharap ng dinudustang mamamayan ang dalawang pagpipilian – sumuko o lumaban. Araw-araw din nilang pinipili ang paglaban at pagsulong. At kapag ang isa ay itinumba ng bala ng mga berdugo, hindi lang nito pinababangon ang isa, ngunit libu-libong iba pa – upang patuloy na kumilos, lumaban at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.

Sabay-sabay na hambalusin ang tiraniya ni Duterte
September 03, 2021 | Communist Party of the Philippines |

Sa kabila ng pag-aastang malakas, ang tirano at teroristang si Duterte, sa totoo, ay halimaw na nasusukol, humihiyaw at nangangalmot, bumibira kabi-kabila na lahat animo’y mortal niyang kaaway. Dahil dito, ginagawa niyang mas bulnerable sa mga atake ang kanyang sarili at inaanyayahan at ginaganyak ang mas marami pa hambalusin upang wakasan ang kanyang tiranikong rehimen. Siya nga ay kabi-kabilang binibira ngayon habang kinakaharap niya ang namumuong pampulitikang krisis na nagbabantang sumambulat sa darating na mga linggo.

Parusahan ang mga magnanakaw at mandarambong sa pondo ng bayan!  Ibagsak ang pangunahing korap at mandarambong na si Duterte!
September 03, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Sukdulan na ang pagkagahaman sa salapi at yaman ni Duterte. Hindi pa siya nasapatan sa kanyang mga nakukurakot na limpak-limpak na salapi sa pondo ng bayan at mula sa suhol at kikbak sa mga proyektong imprastraktura sa ilalim ng kanyang Build,build,build projects. Ang bilyun-bilyong pondong nakalaan naman sa paglaban sa pandemyang Covid-19 ang pinuntirya ng […]

Jaymar at Marlon, huwarang artista ng Bayan
September 03, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Artista at Manunulat ng Sambayanan-Albay |

Ngayong Setyembre 3 ang ika-40 araw ng pagkamatay ng Guinobatan 2, sina Jaymar Palero at Marlon Naperi, mga aktibistang karumal-dumal na pinaslang ng PNP Albay habang nasa proseso ng kanilang pagtupad sa kanilang karapatan sa malayang pamamahayag. Mailap ang hustisya para sa dalawa. Malinaw ang inilabas na resulta ng autopsy report para sa Guinobatan 2, […]

5 magsasaka, inistraping ng PNP-SAF sa Northern Samar
September 02, 2021 | New People's Army | Eastern Visayas Regional Operational Command (Efren Martires Command) | NPA-Northern Samar (Rodante Urtal Command) |

Limang magsasaka ang inistraping ng mga naghuhuramentadong elemento ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Northern Samar. Inistraping ng mga pulis ang isang magsasaka nang mag-operasyon sa Barangay Rizal, Gamay, Northern Samar noong Agosto 6. Sa ulat ng BHB-Rodante Urtal Command (BHB-RUC), inakala ng mga pulis na sila ang binaril ng nasabing magsasaka. Ang […]