Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Pait sa pagtatanim ng ampalaya
Magsasaka ng ampalaya sa Southern Mindanao ang 60-taong gulang na si Tatay Kaloy. Wala siyang sariling lupa kaya nangupahan siya ng kalahating ektarya para makapagsaka. Sa isang panayam sa mga kasama, naikwento niya kung papaano siya “natalo” (palasak na tawag sa “nalugi”) sa nakalipas na panahon ng taniman. Aniya, karaniwang nasa apat hanggang anim na […]
Ang pagpapatalsik sa korap at inutil na si Duterte ang pinakamabuting paraang makaalpas sa lumulubhang pandemya
1. Muling pumalo ang bilang ng arawang bagong kaso ng Covid-19 sa Pilipinas sa panibagong pinakamataas na rekord na 22,415 kahapon. Inaasahang lalo pa itong tataas sa darating na mga linggo sa paglaganap ng mas nakahahawang Delta baryant at sa harap ng nagpapatuloy na kabiguan ng rehiemng Duterte na epektibong tugunan ang krisis. Sa labis na kakulangan ng testing, malamang na dalawa o tatlong beses pang mas malaki ang aktwal na bilang.
VIDEO | Editoryal: Dumugin ng protesta ang kurakot at pasistang si Duterte
Isapuso ang mga rebolusyonaryong obra ng mga artista ng bayan! Kamtin ang tagumpay ng rebolusyon!
Makauri ang pagtingin sa sining. Para sa iilang naghahari-harian sa lipunang ito, ang sining ay ginagawa para lamang sa kapakanan ng sining. Para lamang saglit na masdan, sandaling ikatuwa, at matapos palipasin na mula sa ulirat. Para bilhin, ibenta, ituring na panukatan ng katanyagan at kapangyarihan, ilagay sa mga pedestal.
Bukas na Liham ng PKM-Bikol para sa ika-40 araw ng pagkakapaslang kina Jemar Palero at Marlon Naperi at para sa lahat ng mga pesanteng naninindigan at lumalaban
Maituturing ang uring magsasaka bilang isa sa mga pinakadakilang artista sa kasaysayan. Anong obra maestra nga ba ang hihigit sa pagbuhay sa lipunan? Nagsilbing kanbas ang lupa at sa kanilang mga kalyadong kamay, napakain ang sangkatauhan. Subalit ang magtanim ay hindi biro. Kayo ang nagsaka, nag-ani at nagsaing subalit gahaman nilang sinagpang ang inyong kakanin. […]