Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Li­der-mag­sa­sa­ka sa Bu­kid­non, pinagbaba­ril
September 07, 2021

Namatay sa walang pakundangang pamamaril ng mga elemento ng 89th IB noong Agosto 19 si Veneranda Guinanao, kasapi ng Amihan National Federation of Peasant Women sa Bukidnon. Nasugatan ang kanyang asawa na si Reynaldo Guinanao at anak na si Christian matapos inistraping ang kanilang bahay sa Purok 5, Musuan, Maramag, Bukidnon. Parehong kasapi ng grupo […]

Abugado, aktibista, pinaslang
September 07, 2021

Inambus ng pinaghihinalaang mga ahente ng estado si Atty. Rex Fernandez habang nasa kanyang sasakyan sa Banawa, Cebu City noong Agosto 26. Si Fernandez ay abugado ng mga manininda ng palengke ng Carbon sa kanilang laban kontra pribatisasyon. Siya rin ang abugado ng mga aktibistang hinuli sa isang protesta sa Cebu kontra Anti-Terror Law noong […]

Pang-aa­pi at pag­la­ban sa mga dam ng ka­tu­tu­bong i-Ka­li­nga
September 07, 2021

Malaking banta sa mamamayan ng Kalinga ang 15 proyektong hydropower na iginawad sa siyam na mga kumpanyang pagmamay-ari o prente ng malalaking kapitalista. Hindi bababa sa tatlo rito ang maituturing na dambuhalang dam na mangangailangan ng reservoir na may taas na 15 metro sa minimum at mayroong kakayahang makaipon ng hindi bababa sa 3 milyong […]

Si­nong ma­tu­tu­to sa eskwe­lang sa­ra­do?
September 07, 2021

Muling iginiit ng Alliance of Concerned Teachers noong Setyembre 5 ang pagbubukas ng harapang mga klase para sa taong ito. Ito ay matapos ianunsyo ng Department of Education (DepEd) noong Agosto na mananatili sa palpak at pahirap na moda ng blended learning ang mga eskwelahan sa darating na Setyembre 13. Ayon ito sa dikta ni […]

Lupaypay sa mahal ng gulay
September 07, 2021

Biglang sumirit ang presyo ng mga produktong gulay noong nakaraang buwan. Sa Metro Manila, naiulat na tumaas nang 375% (₱300) ang presyo ng repolyo. Mahigit doble rin ang itinaas sa presyo kada kilo ng pechay Baguio at karot, habang 75% ang itinaas sa presyo ng talong, at 25% sa kalabasa at ampalaya. Ibinunton ng Department […]