Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Pagpupugay kay Ka Ella
Taas-kamaong pinagpupugayan ng mga rebolusyonaryong kababaihan mula sa MAKIBAKA (Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan) si Kerima Lorena “Ka Ella” Tariman, bayani ng rebolusyong Pilipino at martir ng aping sambayanan at ang lahat ng mga rebolusyonaryong nag-alay ng kanilang buhay para sa pagtatagumpay ng matagalang digmang bayan. Si Kerima, na kilala din bilang Ka Ella ay […]
Isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan! Pagbuklurin ang Sambayanan Upang Wakasan ang Rehimeng US-Duterte!
Kasalukuyang nalulugmok ang bayan sa walang-kaparis na krisis at napipinto pa itong lumala sa mga susunod na buwan. Higit 1.87 milyong Pilipino na ang nagkakasakit. Higit 127,000 ang aktibong kaso at hindi bababa sa 32,000 na ang namamatay dahil sa pandemyang COVID-19. Sa kabila ng ipinataw nitong militaristang lockdown ay naitala ang pagpalo ng mga […]
Itinataguyod at isinusulong ng NDFP ang pandaigdigang makataong batas
Kaisa ng mamamayang Pilipino ang NDFP-ST sa paggunita sa buwan ng International Humanitarian Law (IHL) ngayong Agosto. Simula’t sapul, katuwang ng sambayanan ang NDFP sa pagtataguyod, paggigiit at pagtatanggol ng karapatang tao sa gitna ng pasismo ng mga nagdaan at kasalukuyang papet na rehimen. Ang lahat ng mga kaalyadong organisasyon ng NDFP ay mahigpit na […]
Sobrang-sobra at magastos ang paghulog ng AFP ng may 2 toneladang bomba sa Dolores, Eastern Samar
Noong Agosto 16, laban sa tinataya nitong 50-kataong yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), naglunsad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng isang labis na brutal na kampanyang aerial bombardment, lumustay ng bilyun-bilyong piso para tumugon sa uhaw-sa-dugong kampanyang kill, kill, kill ng rehimeng Duterte. Hindi bababa sa 19 na tauhan ang napaslang sa pambobombang ito.
Korapsyon ang ngalan ng laro ni Duterte
Mabilis na nahubaran ang rehimeng Duterte sa nakalipas na mga araw matapos na mabunyag ang kabi-kabilang katiwalian at korapsyon ng kanyang pamahalaan. Naisiwalat sa madla ang mga makapanindig balahibong rebelasyon ng mga ahensyang “tumugon” sa panahon ng pandemya. Tampok dito ang P34.45 bilyong pondo ng Department of Agriculture na nakitaan ng hindi kumpletong tala at […]