Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Walang dahilan na muling manungkulan si Duterte
August 25, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Todong sakripisyo’t pasakit ang aasahan ng sambayanan kung mananatili sa estado poder ng lampas sa 2022 ang rehimeng Duterte. Sa pahayag ni Digong kahapon, inanunsyo niya na siya’y tatakbo bilang bise presidente sa darating na eleksyong 2022 at ipagpapatuloy pa umano ang kanyang krusada laban sa iligal na droga, insurhensya at kriminalidad. Dapat manalamin ni […]

Kampo-militar sa Quezon, pinalayas na naman!
August 25, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Muling pinalayas ng mamamayan ng Quezon ang mga mangangampong sundalo sa Brgy. Lavides, General Luna noong ikalawang linggo ng Agosto. Sa nakuhang ulat, hindi pumayag ang may-ari ng lupa sa naturang lugar dahil sa mga mapuputol na mga punong niyog. Nauna nang napabalita ang iba pang pagpapalayas sa mga kampo-militar sa buong lalawigan. Ito na […]

Laksa ang handang humalili sa mga martir ng Dolores!
August 24, 2021 | Communist Party of the Philippines |

Nananawagan kami sa sambayanang Pilipino at sa lahat ng rebolusyonaryong pwersa na itaas ang kanilang mga kamao at dakilain ang 19 na martir ng Dolores, mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na namatay sa pambobomba mula sa himpapawid na isinagawa ng suportado-ng-US na pasistang Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Agosto 16 sa Barangay Osmeña, bayan ng Dolores, Eastern Samar.

Sibilyang pinaslang sa San Fernando, Camarines Sur, patunay ng terorismong hatid ng anti-komunistang atas ni PNP Chief Eleazar
August 24, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Read in: English Pekeng balita ang ipinalabas ng AFP at PNP na labanan sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur nitong unang bahagi ng Agosto. Sibilyan at hindi kasapi ng NPA ang pinaslang na si Arnel Marco Olitoquit. Pinatunayan mismo ito sa idinulog na hinaing ng pamilya ni Olituquit sa social media matapos mawala ang […]

Pag-uutos ng higit pang pinatinding operasyong pulis sa Masbate, pag-amin ng kabiguan ng PNP at rehimeng US-Duterte na wakasan ang rebolusyonaryong kilusan
August 24, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Abot-langit ang panggagalaiti ng rehimeng US-Duterte sa Masbate. Simula’t sapul, isa na ito sa mga tinutukan ng hambalos ng kanyang pasismo at terorismo. Ang pinakabagong atas ni PNP Chief Guillermo Eleazar na paigtingin pa ang mga operasyong pulis sa naturang prubinsya ay isa lamang sa napakarami nang atas na nagbibigay-basbas sa panghahalihaw at panliligalig sa masang Masbatenyo.