Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Makiisa sa protesta at panawagan ng mga manggagawa sa sektor sa kalusugan para sa karapatan sa sapat at makabuluhang sahod, kumpensasyon at benepisyo!
Read in: English Hindi biro ang araw-araw na pakikipagsapalaran ng lahat ng mga manggagawang pangkalusugan laban sa pandemyang Covid-19. Ipinupuhunan nila ang sariling mga buhay at kaligtasan ng kanilang mga kaanak sa araw-araw na pakikipagbuno sa suliraning kinahaharap ng bansa sa ngayon. Mahigpit na nakikiisa ang Makabayang Samahang Pangkalusugan (MSP- Bikol) sa ilulunsad na malawakang […]
Magtanggol laban sa higit pang pinatinding pang-aatake ng pulis na atas ni Eleazar!
Napakarami nang utang na dugo ng berdugong PNP sa Masbate ngunit uhaw pa rin sila sa higit pa. Ang utos ni PNP Chief Guillermo Eleazar, sa kanyang pagdalaw sa Bikol, na patindihin pa ang mga operasyong pulis sa naturang prubinsya ay nangangahulugan ng higit pang kaguluhan, pandarahas at pasakit para sa masang Masbatenyo. Wala pa man ang utak-pulburang atas na ito, nakapagtala na ng 72 kaso ng pamamaslang sa naturang prubinsya mula nang maupo sa pwesto si Duterte. Walo rin sa 11 kaso ng masaker sa rehiyon ang naganap sa Masbate. Katumbas ito ng isang Masbatenyong pinapaslang ng pwersang AFP-PNP kada buwan.
Itigil ang Revitalized Presence in the Barangays Program ng PNP
Walang kahit kaunting ginhawa para sa mamamayang Bikolano. Matapos bugbugin ang kanilang mga komunidad ng walang katapusang operasyong militar at pulis gaya ng madudugo, brutal at mapanlinlang na SACLEO, RCSP at FMO, heto na naman at hindi magkamayaw sa desperasyon ang rehimeng US-Duterte sa pagpapatupad ng kampanyang Revitalized Police Presence in the Barangays sa ilalim ng Intensified Cleansing Operations ng PNP. Hindi pa nasapatan ang rehimen sa mga joint interoperability operations ng PNP at AFP sa ilalim ng kanyang EO 70-Whole of Nation Approach. Sinasagad niya ang paghahari ng militarismo sa pamamagitan ng pagbibigay-lisensya sa dagdag pang presensya ng mga pulis sa mga barangay.
Sukdulan ang kabulukan at kurapsyon ng rehimeng Duterte
Ngitngit at galit ang nararamdaman sa kasalukuyan ng mamamayang Pilipino, lalung lalo na ang masang magsasaka, bunga ng matinding iregularidad at kurapsyon na nagaganap sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaaan. Nitong nakalipas na mga buwan, sunod-sunod na inilabas ng Commision on Audit ang mga awdit sa pondo ng iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan. Nakita […]
Dagdag operasyong pulis sa Masbate, dagdag pahirap sa magsasakang Masbatenyo
Ang panawagan ng mga magsasaka ay ang masugpo ang kahirapan at hindi dagdag presensya ng pulis. Ang panawagan ng mga magsasaka ay mapalayas ang mga gahamang panginoong may lupa at iba pang mga dayuhang mamumuhunang dumarambong sa likas na yaman ng Masbate. Ang panawagan nila ay matapos na ang walang tigil na karahasan at terorismo na ihinahasik ng mga mersenaryong hukbo ng estado. Ang interes ng mga kapitalista, burukrata at imperyalista ay katumbas ng tiyak na kamatayan para sa mga Masbatenyo – kamatayan mula sa kagutuman at kamatayan mula sa dulo ng mga armas ng mga berdugong nagtatanggol sa mapagsamantalang paghaharing ito.