Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Kundenahin ang pambobomba ng 203rd Brigade sa mamamayan ng Abra De Ilog! Hustisya para kay Jerlyn Rose Doydora at sa 3 batang Mangyan na nasawi!
January 06, 2026 | NDF-Rizal | Kabataang Makabayan-Rizal | Jeremy 'Ka Cely' Angelo | Spokesperson |

Sa pagpasok ng bagong taon, sukdulang terorismo at pambobomba ang inihasik ng 203rd Brigade at pinagsama-samang elemento ng 1st, 59th at 76th IB, 5th Scout Ranger Batallion, at 2nd ID sa So. Mamara, Brgy. Cabacao, Oriental Mindoro sa mamamayang Mindoreño noong ika-1 ng Enero, mula 9:30 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali. Pataksil nilang ibinaling […]

Papanagutin ang AFP-PNP sa pagkamatay ng 3 bata at 2 kabataan dulot ng pambobomba! Ipaglaban ang makataong pagbawi ng mga labi at marangal na paglilibing sa mga biktima ng brutal na operasyong militar ng 203rd Bde!
January 06, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Cavite | Simeon Magdiwang | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng National Democratic Front of the Philippines-Cavite ang walang habas na paglabag sa karapatang tao at sa internasyunal na makataong batas sa pamamagitan ng brutal na operasyong militar ng 203rd Brigade ng AFP at ng mga katuwang na pwersang seguridad ng estado. Sa pagbubukang liwayway ng bagong taon ng 2026, Enero 1, isinalubong […]

Nagpapakalat na naman ng pekeng balita ang 78th IB
January 05, 2026 | New People's Army | Eastern Visayas Regional Operational Command (Efren Martires Command) | NPA-Northern Samar (Rodante Urtal Command) | Amado Pesante | Spokesperson |

Hindi totoong may nakumpiskang armas ang 78th Infantry Battalion mula sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Barangay Osmeña, Palapag, Northern Samar noong Disyembre 11, 2025. Ang isinapubliko nilang ripleng M653 ay dati na nilang nakumpiska noon pang Agosto 27, 2025 sa Barangay San Jose, Mapanas. Dati itong hawak ni Motaw Ortazo (Ka Ibaro), Pulang mandirigma […]

Kundenahin ang pag-atake ng US sa Venezuela! Mamamayan ng daigdig, tumindig, lumaban at ibagsak ang imperyalismo!
January 05, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nakikiisa ang National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog sa mamamayan ng Venezuela sa kanilang marubdob na pakikibaka para ipagtanggol ang kanilang bayan mula sa pang-aatake ng imperyalismong US. Makatarungan ang kanilang laban para igiit at depensahan ang pambansang soberanya laban sa pananakop ng dayong kapangyarihang imperyalismong US. Lalong pinatunayan ng imperyalismong US kung gaano […]

NTF-Elcac, bumubuga ng kasinungalingan at pagbabanta
January 05, 2026 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Katawa-tawa ang pagbabanta ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) sa namumuong dambuhalang opinyong publiko ng sambayanang Pilipino na nagpapahayag ng pagkamuhi, disgusto at pagtatatwa sa lantarang pasismo-terorismo ng Armed Forces of the Philippines sa huling insidente ng walang patumanggang pambobomba at istraping na ibinungad ng 203rd Infantry Brigade, 2nd Infantry […]