Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
2 konsultant ng NDFP, pinaslang
Dalawang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at lima pang sibilyan ang pinaslang ng armadong mga pwersa ng estado nitong nakaraang dalawang linggo. Sa panahong ito, lima pa ang inaresto at tatlo ang dinukot, kabilang ang isang bata. Pamamaslang. Magkasabay na pinatay ng mga ahente ng reaksyunaryong estado sina Fr. Rustico Tan […]
Wala pa ring hustisya ang mga taga-Marawi
Kasinungalingan ang sinasabi ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) na 65% na ng rekonstruksyon ng Marawi City ang “tapos na.” Ito ang pahayag ni Drieza Lininding ng Moro Consensus Group sa ikaapat na anibersaryo ng pagpulbos ng rehimeng Duterte sa syudad noong Mayo 23. Sa araw na iyon, isang karaban ng mga residente ang nagtungo […]
Bumabakas ang China kay Duterte
Sa nagdaang mga buwan, palala nang palala ang pangangayupapa ni Rodrigo Duterte sa China. Mula sa patalo niyang pagtugon sa sigalot sa West Philippine Sea, hanggang sa paglalabas ng mga patakaran gaya ng Executive Order No. 160 na pumapabor sa dayuhang pagmimina ng mga Chinese, walang kaabog-abog niyang ipinagkakanulo ang soberanya ng bansa. Kapalit ng […]
Mega dam sa Apayao-Abulog River, tinututulan ng minoryang Isnag
Puspusang nilalabanan ngayon ng mamamayang Isnag sa Cordillera ang pagtatayo ng Gened Hyrdoelectric Power Plant, isang proyektong magtatayo ng dalawang dambuhalang dam na maglulubog ng kanilang mga komunidad. Anila, hindi sila pumapayag na itayo ang proyekto sa kanilang lupang ninuno, taliwas sa pinalalabas ng kumpanyang may hawak dito na mayroong pinirmahang kasunduan sa pagitan nito […]
Konsentrasyon ng kapital: Paghihimay sa "Forbes 2000"
Ang Forbes Magazine ang isa sa nangungunang magasin sa mundo ng monopolyong kapitalismo. Naglabas ito kamakailan ng pinakahuli nitong talaan ng 2,000 pinakamalalaking korporasyon. Makatutulong na pag-aralan ang listahan upang magkaroon ng pagtanaw sa kasalukuyang larawan ng pandaigdigang sistemang kapitalista: kung sino ang pinakamalalaking kapitalista at ang antas ng konsentrasyon ng kapital sa kamay ng […]