Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
10 sundalo, patay sa ambus sa Negros
Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang nag-ooperasyong mga tropa ng 62nd IB sa Sityo Tabago, Barangay Sandayao, Guihulngan noong Agosto 14. Hindi alam ng mga sundalo na batid ng mga Pulang mandirigma ang kanilang presensya. Paglapit nila sa kampo ng BHB, pinasabugan sila ng bomba. Sampung sundalo ang napatay at dalawa ang nasugatan. […]
Ka Jethro, lider ng Partido sa Southern Tagalog
Isang lokal ng Batangas na naging pinuno ng armadong kilusan sa Southern Tagalog ang pinaslang ng Armed Forces of the Philippines noong Agosto 8. Tulog ang sugatan at wala nang kakayahang lumaban na si Mario Caraig (Ka Jethro) nang barilin siya ng mga sundalo ng 1st IB sa tinuluyan niyang bahay sa Barangay San Antonio, […]
Manggagawang pangkalusugan, pinaslang sa Bacolod
Binaril at napatay ng mga elemento ng estado sa isang mataong lugar ang manggagawang pangkalusugan na si Zara Alvarez, 39, sa Eroreco Subdivision, Barangay Mandalagan, Bacolod City noong Agosto 17. Aktibong kasapi si Alvarez ng Negros Island Integrated Health Program, isang organisasyong nagbibigay ng serbisyo at pagsasanay medikal sa mga maralitang komunidad sa isla. Isa […]
Paraligal ng Anakpawis, inaresto
Inaresto ng pulisya ang paraligal ng Anakpawis Partylist na si Paolo Colabres habang binabantayan ang labi ni Randall Echanis sa isang punerarya sa Barangay Paang Bundok, La Loma, Quezon City noong Agosto 11. Sinampahan si Colabres ng kasong obstruction of justice at idinetine nang isang linggo sa Camp Karingal. Isang araw bago ang pang-aaresto, sapilitang […]
Laban para mabuhay
Resulta ng matagal at mapangwasak na lockdown ni Rodrigo Duterte ang naitalang pinakamalalang pagbagsak ng lokal na produksyon sa unang hati ng taong 2020. Ramdam ito sa mga prubinsya sa Mindanao at Visayas na sumabay sa lockdown ng Luzon at Metro Manila noong Marso. Ora-orada at walang planong pinatigil ng mga lokal na gubyerno ang […]