Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
2,000 Lumad, magsasaka, pinalayas ng militar
Pinalayas ng 88th at 8th IB ang may 2,000 Lumad at magsasaka sa 15 komunidad ng Cabanglasan, Bukidnon noong Hunyo 21. Tinatakan ng mga berdugo bilang “no man’s land” ang mga komunidad matapos ang kumprontasyon at dayalogo ng mga datu sa mga sundalo at lokal na gubyerno (Basahin ang kaugnay na artikulo: 88th IB, pinalalayas […]
Asong ulol na 12th IB
Parang mga asong ulol ang mga tropa ng 12th IB na naghasik ng teror sa Janiuay, Iloilo mula Agosto 5 hanggang ikalawang linggo ng buwan. Ayon kay Jurie Guerrero, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Panay, pitong magsasaka ang binugbog ng mga sundalo sa Atimonan, Janiuay. Dalawa ang idinetine at pinaggiya sa mga operasyong kombat. […]
Julie de Lima, pansamantalang pinuno ng NDFP peace panel
Itinalaga noong Agosto 19 ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) bilang pansamantalang pinuno ng negotiating panel nito si Julieta de Lima bilang panghalili sa yumao nitong pinuno na si Fidel Agcaoili. Ayon kay NDFP chief political consultant Jose Ma. Sison, si de Lima ang pinaka-nakatatanda sa mga tauhan nito sa labas ng bansa […]
Supertubo sa bakuna
Pangalawang bahagi ng tatlong-parteng serye kaugnay sa bakuna sa Covid-19 at industriya ng paggagawa ng gamot. Basahin ang unang bahagi, “Bakuna sa Covid-19 at ang ganid na Big Pharma“. Lagpas sa karaniwang tubo, kumakamal ang mga monopolyo kapitalistang kumpanyang Big Pharma ng supertubo mula sa pagtatakda ng presyo ng mga gamot na lagpas-lagpas sa gastos […]
Ang Katipunan | August 2020
Sa ngalan ng milyun-milyong magsasakang nagsusulong ng Rebolusyong Agraryo, pinakamataas na pagpaparangal at malawakang pulang saludo ang pinapaabot ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid kay Randall “Ka Randy” Echanis, martir at bayani ng uring magbubukid at masang maralita. PDF Ang Katipunan, is the official publication of the Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid.