Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
SONAgkaisang protesta, idinaos
Muling nagtipon sa University of the Philippines (UP) Diliman, Quezon City ang mga pambansa-demokratikong organisasyon, tradisyunal na oposisyon at iba pang mga grupo at indibidwal noong Hulyo 21. Ito ay sa kabila ng pagbabawal ni Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government na maglunsad ng rali sa araw ng State of the Nation […]
SONAng walang kwenta
IBINIGAY NI DUTERTE ang kanyang SONA alas-4 ng hapon sa harap ng 29 kongresista at walong senador. Hindi inimbitahan sa bulwagan ang bise-presidente na si Leni Robredo habang ang lahat ng iba pang kongresista at senador ay nakibahagi sa pamamagitan lamang ng internet. Ginamit ni Duterte ang pagkakataon para atakehin ang kanyang mga kalaban sa […]
141 aktibista, inaresto sa araw ng SONA
Sa ulat ng mga organisasyong masa, umabot sa 141 na nasa rali o papunta pa lamang sa rali ang inaresto ng mga pulis noong Hulyo 23. Sa Metro Manila, 34 ang inarestong aktibista kasama ang limang myembro ng PISTON at 24 aktibista sa Marikina City. Sa Southern Tagalog, umabot sa 85 aktibista na papunta sa […]
Pagbagsak ng ekonomya, pinakamalala sa 4 na dekada
BUMAGSAK NANG 16.7% ang halaga ng lokal na produksyon (gross domestic product o GDP) sa ikalawang kwarto ng 2020. Ito na ang pinakamatarik na pagsubsob ng ekonomya sa nagdaang 36 na taon. Ang pagbagsak ng ekonomya ay kasunod ng pinakamahabang lockdown sa buong mundo na ipinataw ni Duterte dahil walang maagap at tamang pagharap sa […]
Pagtatayo ng mga detatsment sa NCMR, binatikos
PARANG MGA KABUTENG nagsusulputan ang mga detatsment ng militar sa Northern Mindanao sa gitna ng pandemya. Imbes na mga barangay health clinic, anim na detatsment ang itinayo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nakaraang limang buwan. Ang mga ito ay nasa Barangay Durian, Las Nieves, Agusan del Norte; Balagnan, Esperanza, Agusan del Sur; […]