Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Sa bigong pagharap ni Duterte sa pandemya, sa rebolusyon bumabaling ang bayan
August 07, 2020

Sa harap ng mabilis na pagkalat ng Covid-19 na gumugupo sa mga ospital, nanawagan sa gubyernong Duterte ang mga manggagawang pangkalusugan ng komprehensibong pagbabago sa estratehiyang kontra sa Covid-19. Sa halip na tugunan ang mga panawagang ito, galit silang sinumbatan ni Duterte sa pagsasapubliko ng kanilang mga panawagan at tinuya silang “kung rebolusyon ang gusto […]

Bakuna ng China para sa pautang at impluwensya
August 07, 2020

  Liban sa kita, habol ng China ang makapagpalawak ng impluwensya at magkamal ng pabor mula sa mga bansang nangangailangang bumili ng bakuna. Sa pagkukumahog nitong mauna sa merkado, inaprubahan nito ang paggamit ng kanilang militar sa isa sa pinauunlad nitong bakuna, ang Ad5-nCoV ng Sinopharm, noong Hunyo 25 kahit hindi pa ito pumapasok sa […]

Trump, nagdeploy ng paramiltar para supilin ang mga rali sa Portland
August 07, 2020

  NAGING SENTRO NG balita ang Portland, isang syudad sa Oregon, US matapos magpadala ng mga ahenteng pederal si Donald Trump noong Hulyo 4 para supilin ang mga protestang masa sa lugar. Galit at alarma ang naramdaman ng mamamayan sa syudad nang magsimulang mandukot at arbitraryong mang-aresto ang mga nakasibilyang pwersang ito ng mga raliyista. […]

Pagkamkam ng supertubo sa pandemya
August 03, 2020

Supertubo ang habol ng mga monopolyong kapitalistang kumpanya sa gamot o Big Pharma sa kanilang pagkakandarapa na makatuklas ng bakuna sa Covid-19. Noon pang Marso, nanawagan na ang grupong Doctors Without Borders sa mga ito na tumigil sa pagsamantala sa pandemya at gawing abot-kaya ang kanilang mga gamot. Anila, dapat pigilan ng mga gubyerno ang […]

Bakuna sa Covid-19 at ang ganid na Big Pharma
August 03, 2020

Bukambibig ni Rodrigo Duterte ang “maghintay sa bakuna” para pagtakpan ang kainutilan at kapalpakan ng kanyang rehimen na apulain ang pandemyang Covid-19 sa bansa. Gayunpaman, wala siyang ibinibigay na sapat na suporta o tulong para sa mga Pilipinong siyentista sa pagsisikap na tumuklas ng ganitong bakuna. Walang saysay ang inianunsyong P10-milyong pabuya diumano sa unang […]