Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Reklamo ng mga mamahayag kontra panggigipit
NAGSAMPA NG REKLAMO noong Hulyo 30 ang mga mamamahayag ng Altermidya, Pinoy Weekly, Kodao Productions at Bulatlat sa Commission on Human Rights laban sa patuloy na pagbabanta sa kanila ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at Philippine National Police. Bahagi ng reklamo ang pagkumpiska ng mga pulis sa libu-libong […]
Ang dinastiya ng pamilyang Duterte
Sa kanyang State of the Nation Address 2020 noong Hunyo 27, paulit-ulit na inatake ni Rodrigo Duterte si Sen. Franklin Drilon na naghamon sa kanya na itulak ang pagsasabatas sa Anti-Dynasty Bill. Panukala ni Drilon na ipagbawal ang sabayang pagtakbo ng mga magkamag-anak sa mga elektibong pusisyon sa reaksyunaryong guberno. Lubhang ikinagalit ni Duterte ang […]
Mga sakahan sa Samar, 88 beses kinanyon ng 8th ID
Walumpu’t walong beses na kinanyon ng 8th ID ang mga sakahan sa mga barangay ng San Jose de Buan sa Western Samar noong Hulyo 14 at 29. Nagresulta ito sa pagbabakwit ng 50 magsasaka mula sa kalapit na mga komunidad. Hindi bababa sa 64 bala ng mortar at howitzer ang pinabugso ng militar sa mga […]
Pamamayagpag ng mga dinastiyang pulitikal
Matagal nang pinaghaharian ng mga dinastikong pamilya ang pulitika ng Pilipinas sa lahat ng antas. Sa listahan ng mga nailuklok noong eleksyong 2019, mayroong 163 pamilya na may hindi bababa sa dalawang kasapi ang nakaupo ngayon bilang senador, kongresista, o di kaya’y gubernador. Walumpu’t walo sa mga pamilyang ito ay mula sa Luzon, 29 […]
Bakuna sa Covid-19 at ang ganid na Big Pharma
Bukambibig ni Rodrigo Duterte ang “maghintay sa bakuna” para pagtakpan ang kainutilan at kapalpakan ng kanyang rehimen na apulain ang pandemyang Covid-19 sa bansa. Gayunpaman, wala siyang suporta sa mga Pilipinong siyentista sa pagsisikap na tumuklas nito. Walang saysay at pakitang-tao lamang ang kanyang P10-milyong pabuya sa unang makatutuklas kung wala namang pondo para sa […]