Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Tsekpoynt ng abusadong pulis, pinasabugan ng BHB-Bukidnon
Pinasabugan ng granada ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bukidnon ang mga elemento ng First Bukidnon Police Mobile Force Company na nagbabantay ng tsekpoynt sa Barangay Cabulohan, Cabanglasan noong Hunyo 1. Dalawang pulis ang nasugatan sa opensiba. Kinabukasan, pinasabugan ng isa pang yunit ng BHB ang rumespondeng mga pulis sa insidente. Katuwang ng mga sundalo ang mga […]
"Suspensyon" ng terminasyon ng VFA, hindi nakagugulat
Hindi na nakagugulat ang “suspensyon” ni Rodrigo Duterte sa terminasyon ng Visiting Forces Agreement na pinirmahan niya noong Pebrero 14. Noon pa man, batid nang hindi ito itutuloy. Nais lamang ni Duterte na dagdagan ng US ang pondo at armas na ibinibigay nito sa kanyang rehimen. Iniatras ito ni Duterte matapos pinayagan siya ng US […]
Protesta laban sa Anti-Terror Bill ni Duterte
Nagbalik-lansangan ang daan-daang aktibista matapos ang halos tatlong buwang lockdown para tutulan ang panukalang “kontra-terorismo” ng rehimeng Duterte. Nagtipon ang isang libong raliyista sa loob ng University of the Philippines (UP)-Diliman sa Quezon City at iba pa sa Laguna noong Hunyo 4 habang iniraratsada ang panukala sa mababang kapulungan. Nagkaroon din ng mga pagkilos noong […]
Maanomalyang pagbili ng kagamitang medikal, nalantad
Nalatantad noong nakaraang buwan ang maanomalyang pagbili ng rehimeng Duterte ng napakamahal na mga kagamitang medikal. Pinakahuli rito ang 10 milyong protective personal equipment o PPE set na binili nito mula sa isang hindi tinukoy na kumpanyang Chinese sa halagang P1,800 kada set o P20 bilyon sa kabuuan. Karaniwang makakabili ng PPE sa halagang P400-P1,000 […]
Sampung hakbang kontra pinsala at pandemyang hatid ni Duterte sa mamamayan
Palpak ang tugon ng rehimeng Duterte sa pandemyang Covid-19. Lugmok sa gutom at kawalang trabaho ang mamamayan habang patuloy na nananalasa ang bayrus matapos ang halos tatlong buwang lockdown. Winaldas nito ang mga sakripisyo ng mamamayan sa isa sa pinakamatagal na lockdown sa buong mundo. Hindi nito pinalakas ang sistema sa kalusugan. Walang isinagawang mass […]