Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Dagdag na alerto at pag-iingat, kailangan sa panahon ng tigil-putukan
Nanawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ng dagdag na alerto at pag-iingat sa lahat ng yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa panahon ng tigil-putukan. Ito ay sa harap ng walang lubay na pang-aatake ng mga yunit ng militar at pulis sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Isinasagawa ang mga atakeng ito sa kabila […]
Pambobomba ng AFP sa Bukidnon at Davao, tuluy-tuloy
Naglunsad ng serye ng pambobomba at patuloy ang nakapokus na mga opensibang militar ng Armed Forces of the Philippines sa hangganan ng Bukidnon-Davao sa kabila ng tigil-putukan sa panahon ng Covid-19. Ayon sa ulat ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bukidnon, walang patumanggang naghulog ng limang 230-kilo (o 500-libras) na bomba ang Philippine Air Force at 4th […]
ASF: Pandemya sa mga alagang baboy
May pandemya nang kumakalat sa mundo bago pa lumaganap ang Covid-19. Ito ang pandemya ng African Swine Fever (ASF), isang sakit na kumakapit at pumapatay sa inaalagaang mga baboy. Hindi ito nakahahawa sa tao pero malaki ang pinsalang idinudulot nito sa kabuhayan ng mga magsasaka. Wala pang nadidiskubreng gamot o bakuna laban sa ASF kaya […]
Lider-magsasaka sa Surigao, pinaslang
Sa harap ng krisis na dulot ng pandemyang Covid-19, binaril at pinatay ng mga armadong ahente ng estado si Nora Apique, 66, lider-magsasaka ng Kahugpungan sa mga Mag-uuma sa Surigao del Sur, balangay ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Papauwi na si Apique nang barilin siya sa Barangay Patong, San Miguel, Surigao del Sur noong Marso […]
Mga babuyan, luging-lugi sa ASF
INIREREKLAMO NG MGA magsasakang Pilipino ang lubhang napakababa na danyos na ibinibigay sa kanila ng Department of Agriculture sa harap ng pagkalat ng pandemyang ASF sa bansa. Umaabot lamang sa P3,000-P5,000 kada baboy na kailangang patayin ang ibinibigay ng DA. Umaabot sa P9,000/baboy ang karaniwang presyo kapag binibili ito sa mga sa palengke. Nasa 13 […]