Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ang pandemyang Covid-19 ay hindi usaping pangkalusugan na lamang
Mula sa isang krisis sa pampublikong kalusugan, ang sitwasyong ibinunsod ng pandemyang Covid-19 ay mabilis na namumuo na isang krisis sa ekonomya, kabuhayan ng masa, at pulitika. Lalo pang dumarami ang kaso ng nahahawa at namamatay sa Pilipinas at buong mundo. Kasabay nito, lalo ring dumarami ang mga Pilipinong dumaranas ng gutom, hirap at […]
Galit at damayan sa panahon ng lockdown
Hindi napigilan ng lockdown ang pagsambulat ng galit ng mamamayan sa mga kapalpakan ng rehimen sa pagharap ng krisis ng pandemyang Covid-19. Noong Abril 1, nagprotesta ang mga residente ng Sityo San Roque sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City para ipanawagan ang kagyat na subsidyong pagkain. May halos 6,000 residente ang San Roque na karamiha’y […]
Nasaan ang pera ng bayan?
Hindi lamang kulang, kundi sadyang limitado, ang ipinamamahaging P200-bilyong ayudang pinansyal ng rehimeng Duterte. Ito ang lumalabas sa unang bugso ng pamamahagi ng rehimen ng P5,000-P8,000 ayuda para ibsan ang gutom at hirap na dulot ng militaristang lockdown. Para magkasya ang badyet, nagtakda ang rehimeng Duterte sa lokal na mga gubyerno ng “kota” o […]
Makatarungang kahingian ng mga frontliner
Nangunguna sa laban sa pandemyang Covid-19 ang tinatawag na mga frontliner—ang mga manggagawang gumagampan ng delikadong mga tungkulin sa pag-aasikaso sa mga pasyenteng nahawa ng sakit. Sila ang mga duktor, nars, teknisyan at iba pang mga manggagawang pangkalusugan. Para makagampan ng maayos ng kanilang mga tungkulin, inilinaw nila ang kanilang kagyat na mga pangangailangan, gayundin […]
Malawakang kasalatan sa pagkain, nagbabadya
Nagbabadya ang malawakang kasalatan sa pagkain sa National Capital Region at buong bansa. Marami na sa mga magsasaka at komersyante ang nalulugi dulot ng mga restriksyong ipinataw ng militaristang lockdown ng rehimeng Duterte. Marami na ang nagsabing mapipilitan silang tumigil ng produksyon. Tiyak na lalupang hihirap ang kalagayan ng mamamayan sa harap ng pahayag ng […]