Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Unang taon ng pagkamartir ni Ka Joma, ginunita
December 21, 2023

Ginunita sa pamamagitan ng mga kumperensya at pangkulturang pagtatanghal ang unang taon ng pagkamartir ni Kasamang Jose Maria Sison, dakilang lider, guro at komunistang Pilipino. Nagtipon sa University of the Philippines (UP)-Diliman ang daan-daang indibidwal, kapwa mga beteranong aktibista at kabataan, para sa isang talakayan at repleksyon sa mga sulatin ni Ka Joma. Pinamagatang “Reflections […]

2 detatsment ng militar, pinaputukan ng BHB-Negros
December 21, 2023

Tahimik na nakalapit at pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Negros ang dalawang detatsment ng militar noong nakaraang linggo. Noong Disyembre 13, pinaputukan ng BHB-Central Negros ang patrol base ng 62nd IB sa Barangay Sandayao proper, Guihulngan City, Negros Oriental bandang alas 8:00 ng gabi. Dalawa ang nasugatan sa tropa […]

Masaker sa kabuhayan ng mga tsuper at opereytor, pananagutan ni Marcos
December 21, 2023

Nakaambang tuldukan ng rehimeng US-Marcos ang pampasaherong sasakyan (public utility vehicle o PUV) sa pagpilit nitong ipatupad ang pwersahang pagtatanggal sa daan ng mga tradisyunal na dyip at iba pang sasakyang pangmasa sa tabing ng modernisasyon sa katapusan ng taon. Ibubunsod nito ang pagmasaker sa kabuhayan ng libu-libong tsuper at opereytor at pagpapahirap sa ordinaryong […]

Pagkatay sa hari ng lansangan, sakripisyong alay sa altar ng imperyalistang Japan
December 21, 2023

Trapik, polusyon at pagkalugi ng ekonomya ang isinasangkalan ng Asian Developmen Bank (ADB), kasabwat ang magkasunod na rehimeng Duterte at Marcos, para pwersahang i-phaseout ang mga tradisyunal na dyip at palitan ang mga ito ng sarplas na mga sasakyang gawang-Japan o ng bagong mga sasakyang pinatatakbo ng kuryente. Naglaan ang Japan ng $10 bilyong “climate […]

Mga drayber ng bus, nagprotesta sa upisina ng LTO
December 21, 2023

Nagprotesta sa upisina ng Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City noong Disyembre 18 ang mga drayber ng bus mula sa iba’t ibang kumpanya upang ipabasura ang hindi makatarungang Demerit Points System ng ahensya na ipinatupad noon pang 2019. Pinangunahan ang pagkilos ng Manibela o Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers. Nagpataw ang naturang […]