Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ano ang Covid-19?
Ang coronavirus disease (Covid-19) ay isang nakahahawang sakit na sanhi ng coronavirus (CoV). Ang CoV ay isang klase ng virus na nagdudulot ng mga sakit mula sa sipon at pulmonya hanggang sa mas malalalang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome at Severe Acute respiratory Syndrome o SARS. Ang tipo ng virus na nagdudulot ng […]
Mga pagsasanay-militar ng US at Pilipinas, tuloy sa kabila ng pagpapawalambisa sa VFA
Tuluy-tuloy ang pagsasagawa ng mga pinagsanib na mga pagsasanay-militar sa pagitan ng US at Pilipinas. Sa kabila ito ng pormal na deklarasyon ng rehimen ni Rodrigo Duterte ng pagpapawalambisa ng Visiting Forces Agreement o VFA noong Pebrero 11. Ito ay dahil sa Hunyo pa mawawalan ng bisa ang kasunduan o 180 araw matapos ang pormal […]
Ang FQS bilang rebolusyong pangkultura
Noong 1970, 50 taon na ang nakakaraan, isang sigwa ang naranasan sa Pilipinas na kakaiba sa lahat ng bagyong dumaan sa nakaraan. Ito ay nakilala sa katawagang FQS o First Quarter Storm (Sigwa ng Unang Kwarto). Ang FQS ay serye ng mga kilos-protesta ng kabataa’t estudyante, manggagawa, magsasaka, maralita sa lunsod at nayon, at iba […]
Panlilinlang at pamiminsala sa ngalan ng mina
Noong nakaraang Enero, nabunyag na ginawaran ng rehimeng US-Duterte ng 25-taong Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) ang Tampakan Copper-Gold Project na nakatakdang mapaso sa Marso 21, 2020. Taliwas sa bukambibig ni Duterte laban sa mapaminsalang mina, pinalawig pa niya ang operasyon nito nang 12 taon, o hanggang Marso 21, 2032. Mahigit dalawang dekada nang […]
Anti-Terrorism Bill: Dagdag sa pasistang arsenal ni Duterte
Sinabayan ng protesta ng mga pambansa-demokratikong pwersa ang pagdinig sa kongreso sa Anti-Terrorism Bill o ATB noong Marso 3. Tinalakay sa pagdinig ang tatlong panukalang naglalayong amyendahan ang Human Security Act (HSA) na ipinasa sa panahon ng rehimeng US-Arroyo noong 2007. Ang naturang pagdinig ay ginanap matapos ipasa ng Senado ang sariling panukala nito (Senate […]