Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Panukalang 3 taong kurikulum sa kolehiyo, kolonyal at pagkitil sa malaya't kritikal na pag-iisip ng kabataan
September 06, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Artista at Manunulat ng Sambayanan-Southern Tagalog (Balangay Racquel Aumentado) | Nika Antares | Spokesperson |

Mariing kinukundena at tinututulan ng Artista at Manunulat ng Sambayanan-Timog Katagalugan ang isinusulong na panukalang batas na paikliin tungong tatlong taon ang kurikulum sa kolehiyo. Sa gitna ng papatinding krisis sa edukasyon sa Pilipinas, lalong ipinagkakanulo ng rehimeng US-Marcos II ang mga batayang pangangailangan ng mga kabataan sa higit pa nitong pagbansot at pagbebenta sa edukasyon […]

Ipagtanggol ang kapaligiran, kaligtasan at kabuhayan laban sa mga mapaminsalang proyekto ng mga kapitalista at rehimeng Marcos! Isulong ang pakikibakang masa at armadong pakikibaka sa Ilocos!
September 04, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Ilocos | Rosa Guidon | Spokesperson |

Dahil sa pagkakaisa at pagpupunyagi, isa na namang tagumpay ang nakamit ng masang Ilokano sa pagtatanggol sa kapaligiran, sa kanilang kaligtasan at kabuhayan laban sa mapanirang mga proyekto ng malalaking kumpanya. Noong Setyembre 2, ipinahayag nina Ilocos Sur Governor Jeremias Singson at dating gobernador Chavit Singson na ipapatigil ang mapaminsalang dredging operation ng Isla Verde […]

Pahayag ng Kabataang Makabayan-DATAKO para sa ika-11 na Anibersaryo ng Pagkamartir ng Pulang Mandirigma ng Lacub
September 04, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | Cordillera People's Democratic Front | Kabataang Makabayan – Demokratiko a Tignayan kadagiti Agtutubo iti Kordilyera (KM-DATAKO) |

Madalas maraming agam-agam at kontradiksyon ang buhay ng isang pulang mandirigma. Marahil mapanghamon ang armadong pag-aambag at paglalakbay—na hindi tulad ng ibang landas—ngunit nangangako itong sumasambulat ng rebolusyonaryong panata, perspektiba, at mithiing makawala mula sa gapos ng pananamantala gaano man ito katagal. Sa matagalang panahon ng demokratikong rebolusyong bayan, ay malinaw ang naging gampanin nito […]

Hindi masosolusyunan ang problema ng baha sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na lipunan
September 04, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | Liga ng Agham para sa Bayan (LAB) | Trinidad Ramirez | Spokesperson |

Sumisingaw ang nakasusulasok na baho ng burukrata kapitalismo sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr—ngayon, sa usapin naman ng libo-libong palpak at pekeng flood control project na nakakalat sa buong bansa. Sa kabila ng pagmamalinis ni Marcos Jr at ng iba pang mga pulitiko, malinaw na si Marcos Jr mismo ang nagpahintulot ng pagwaldas ng bilyon-bilyong […]

Sa ilalim ni Marcos, may "kapayapaan" para sa iilan, kamatayan ang para sa mamamayan
September 03, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Eastern Visayas |

Halos dalawang buwan na ang nakaraan nang harap-harapang ideklara ni Ferdinand Marcos Jr sa kanyang State of the Nation Address na “wala nang grupong gerilya” sa bansa. Agad naman siyang nasampal sa mukha ng magkakasunod na ulat ng armadong labanan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa […]