Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
4 na aktibista at magsasaka, iligal na inaresto
Tatlong kaso ng pag-aaresto, isang kaso ng walang pakundangang pambobomba at mga kaso ng sarbeylans at panggigipit ang naiulat na mga paglabag sa karapatang-tao nitong nakaraang dalawang linggo. Sa Southern Leyte, inaresto ng mga pwersa ng estado ang 61-taong gulang na si Felixberto Consad, myembro ng Piston sa Butuan City, sa kanyang bahay sa Sogod […]
Pakikibakang manggagawa
Tanggalan sa Wyeth, tinutulan. Binatikos ng Wyeth Philippines Progressive Workers Union (WPPWU-DFA-KMU) ang iskemang “cluster crew” na planong ipatupad ng kumpanya sa pabrika. Ayon sa unyon, paraan ito ng pleksibilisasyon na magdadagdag ng trabaho sa manggagawa, paglipat sa ibang seksyon sa produksyon, at posibleng humantong sa tanggalan. Lumitaw ang planong pagpapatupad ng “cluster crew” […]
Pagsulong ng makabayan at demokratikong pakikibaka ng kabataang Pilipino
Tangan ang mga plakard, bandila, at megaphone, puspusang isinusulong ng kabataang Pilipino ang kanilang makabayan at demokratikong pakikibaka sa harap ng pinatinding atake ng rehimeng Marcos at National Task Force-Elcac laban sa kanila. Hindi sila nagpapabusal, at tumatangging maging kimi at yumuko sa pasistang dikta ng estado. Sa nagdaang mga linggo, iba’t ibang aktibidad ang […]
Pagbabase ng tropang Australian sa Pilipinas, estratehiya ng US
Nitong nakaraang mga buwan, sunud-sunod ang mga war games na inilunsad ng Australia sa Pilipinas. Ang mga ito ay alinsunod sa estratehikong plano ng pagtatanggol ng hegemonya ng US sa Asia-Pacific, kung saan malaki ang bentahe ng Australia. Isa sa mga war games Alon 2025, na isinagawa sa lupa at karagatan ng Palawan, Mindoro at […]
Planong pagmimina sa Nueva Vizcaya at Benguet, tinutulan ng mamamayan
Kinundena ng mamamayan ng Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya ang planong pagmimina sa kanilang komunidad. Noong Agosto 4, binigyan ng Mines and Geosciences Bureau ang Woggle Corporation, kumpanyang nakabase sa United Kingdom, ng exploration permit para aralin ang mineral na makukuha sa bayan. Planong sakupin ng kumpanya ang 3,102 ektaryang lupain ng limang barangay o […]