Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Malawakang ilantad at labanan ang SABAK exercises sa Cagayan Valley
Muling ipinarada sa mga lansangan at pampublikong imprastraktura sa Cagayan Valley ang mahigit 100 mabibigat na sasakyan at kagamitang pandigma ng US kasunod ng pagsisimula ng Phase 2 SABAK (Salaknib-Balikatan) Exercises nitong ika-16 ng Hunyo na magtatagal hanggang Hunyo 20. Nanggaling ang grand convoy sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija at ngayon ay maglulunsad na […]
Kundenahin ang pamamaril sa kabataang magsasaka sa Borongan! Kamtin ang hustisya para sa mga biktima ng pasistang estado at lumahok sa digmang bayan!
Lubos na ikinagagalit at kinukundena ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Eastern Visayas, rebolusyonaryong organisasyon ng mga magsasaka sa rehiyon, ang marahas na pamamaslang ng militar sa isang kabataang magsasaka sa Borongan City, Eastern Samar, at agad na pagtatakip sa insidente ng 802nd Infantry Brigade at 8th Infantry Division. Namatay sa pamamaril ang 16-anyos na kabataang […]
Pagpupugay kay Ka Luis Jalandoni, tapat na rebolusyonaryo at tagapagtaguyod ng tunay at makatarungang kapayapaan!
Pinakamataas na pagpupugay at pagdakila ang iginagawad ng NDFP-ST kay Luis “Ka Louie” Jalandoni, internasyunal na kinatawan ng NDFP at isa sa matatagal nang negosyador ng NDFP sa pakikipag-usapang pangkapayapaan sa reaksyunaryong GRP. Pumanaw siya noong Hunyo 7 dahil sa isang karamdaman sa edad na 90 sa Utrecht, The Netherlands, sa piling ng kanyang pamilya […]
Pinakamataas na pagpupugay kay Ka Louie Jalandoni, huwarang lider ng rebolusyong Pilipino, internasyunalista, at matatag na tagapagtaguyod ng kapayapaang nakabatay sa hustisyang panlipunan!
Ipinaaabot ng NDF-Palawan, kasama ang lahat ng alyadong organisasyon nito laluna ang SUPOK (Rebolusyonaryong Organisasyon ng mga Katutubo ng Palawan), ang pinakamataas na pagkilala at pagpupugay kay Kasamang Louie Jalandoni. Lubos ang pagdadalamhati ng buong rebolusyonaryong kilusan sa probinsya sa pagpanaw ng isang matatag na tagapagtaguyod ng kapayapaan, huwarang rebolusyonaryo at tapat na lingkod ng […]
Pag-alabin ang diwa ni Ka Louie Jalandoni! Palakasin ang digmang bayan, kamtin ang makatarungan at tunay na kapayapaan!
Taas kamaong pagpupugay ang pinaaabot ng Artista at Manunulat ng Sambayanan Balangay Ka Soral Malaya (Armas-KSM) sa pagpanaw ni Ka Louie Jalandoni, tagapangulo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Negotiating Panel. Isang bayani ng mamamayang Pilipino at huwarang rebolusyonaryo. Lubos ang paghanga at pagdakila ng mga kasama kay Ka Louie. Para sa aming […]