Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
OP-OD, isinagawa ng mga grupong rebolusyonaryo
Ilang araw bago at pagkatapos ng reaksyunaryong eleksyon noong Mayo 12, nagsagawa ng operasyon pinta-operasyon dikit (OP-OD) ang iba’t ibang organisasyong alyado ng National Democratic Front (NDF) para ilantad ang kabulukan nito. Pangunahing mensahe sa mga OP-OD ang pagtatampok na ang rebolusyon ang tunay na solusyon na siyang maghahatid ng tunay pagbabagong panlipunan sa bansa, […]
Panliligalig ng militar sa mga komunidad, nakamamatay sa mga sibilyan
Dalawang sibilyan sa Negros ang naiulat na namatay dahil sa panliligalig ng militar sa kanilang mga komunidad noong Mayo. Samantala, tuluy-tuloy ang pang-aabuso ng mga sundalo sa Albay, Masbate, Bohol at Metro Manila. Sa Negros Occidental, naiulat na namatay ang ginang na si Lolita Reman sa Sityo Toril, Barangay Bandila, Toboso noong Mayo 20, bunga […]
Mga protesa
Litisin si Sara Duterte. Nagprotesta sa Senado sa Pasay City ang mga progresibong grupo noong Hunyo 3 para manawagang simulan na ang sadyang inantalang paglilitis sa kasong impeachment ni Vice President Sara Duterte. Binatikos nila ang pag-antala gamit ang maraming palusot ng Senado para simulan ito. Noong Pebrero pa naisumite ng House of Representatives […]
Pagdurusa ng mga Pilipino sa pagtugis ng rehimeng Trump sa mga imigrante
Mula nang muling maupo si Donald Trump bilang presidente ng US nitong Enero, walang awat ang malawakang pag-atake, panunugis, sapilitan at arbitraryong pagpapalayas o deportasyon sa mga manggagawang imigrante sa US. Mula Enero hangang Mayo ay umabot na ng lagpas 271,000 na mga imigrante ang pinadeport na administrasyon habang hindi bababa 49,184 na imigrante ang […]
3 war games, magkakasabay na idinadaos ng US sa Pilipinas
Lantarang pagyurak sa soberanya ng Pilipinas ang presensya ng libu-libong sundalong Amerikano, Australian at iba pang dayuhang tropa sa teritoryo ng bansa para sa mapanulsol at malalaking war games. Mula Mayo, tatlo rito ang magkakasabay na inilulunsad ng US, isa sa pamamagitan ng katambal nitong hukbo ng Australia. Ang mga ito ay ang Kamandag (Mayo […]