Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Pag-alala sa ikatlong anibersaryo ng Piat 3
April 15, 2025 | New People's Army | Cagayan Valley Regional Operational Command (Fortunato Camus Command) | NPA-Cagayan | Bienvenido Magalat | Spokesperson |

Biyernes Santo noon, ika-15 ng Abril 2022. Sa halip na taimtim na makapagnilay-nilay ang mga mananampalataya ay ginulantang ang taumbaryo ng tatlong bangkay na nakahandusay sa masukal na tubuhan sa Maguilling, Piat, Cagayan. Nakataas kamao ang tatlo, nilapastangan at halos hindi na makilala, malinaw na indikasyon na pinahirapan muna bago tuluyang paslangin. Lulan ng isang […]

Pakamahalin ang NPA: Parangal ng BHB at PKP sa Batangas sa mga martir ng sambayanan
April 14, 2025

Sa okasyon ng ika-56 na pagkakatatag nang hindi matalo-talong hukbo ng mamamayan, iginagawad ng Komiteng Probinsya ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Batangas ang pinakamataas na pagpupugay at parangal sa mga bayani ng Batangas, mga kadre-opisyal at pulang mandirigma ng Eduardo Dagli Command-NPA Batangas. Sila ay dakila sapagkat walang pag-iimbot nilang inialay ang kanilang natatanging […]

Pulang pagpupugay at saludo sa New People's Army! Ang tunay na Hukbo ng mga Palaweño at buong sambayanang Pilipino!
April 13, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Binabati, pinagpupugayan at sinasaluduhan ng buong rebolusyonaryong kilusan at nakikibakang mamamayang Palaweño ang New People’s Army sa ika-56 anibersaryo nito noong Marso 29. Mula nang itatag ng Communist Party of the Philippines, gumampan na ang NPA bilang tanging hukbong tagapagtanggol at tagapagsulong ng interes at kapakanan ng mamamayan. Tugon ito sa malaon nang sigaw ng […]

(Song Album) Ampatin: Mga Awit sa Tanglaw ng Kilusang Pagwawasto
April 13, 2025 |

Download song booklet: PDF Malugod na inihahandog ng Artista at Manunulat ng Sambayanan-Timog Katagalugan (ARMAS-TK) ang AMPATIN! Mga Awit sa Tanglaw ng Kilusang Pagwawasto (2025) sa lahat ng mga kasama at masang Pilipino na ating minamahal at pinaglilingkuran. Ang mga awit na ito, na nilikha sa iba’t ibang panahon at kalagayan, ay tinipon ng ARMAS-TK […]

Itinatakwil ng mamamayan at BHB-CV ang programang amnesty at pagtatayo ng local amnesty board sa rehiyon
April 13, 2025 | New People's Army | Cagayan Valley Regional Operational Command (Fortunato Camus Command) | Elias Almazan | Political Officer |

Bigo ang 5th Infantry Division at ang pinuno nitong si Bongbong Marcos sa pag-aakalang malilinlang nila ang hukbong bayan sa amnesty at safe conduct pass (SCP) sa ilalim ng Memorandum Order No. 36 na pinirmahan ni Marcos kamakailan. Nagkakanda-ugaga ngayon ang 5th ID na madaliin ang makailang ulit nang nausog na target na “durugin ang […]