Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ipagbunyi ang mga tagumpay ng kabataang Pilipino!
Ipinagbubunyi ng Melito Glor Command, sampu ng mga mandirigma nito, ang ika-60 anibersaryo ng Kabataang Makabayan (KM). Nagpupugay kami sa mayamang kasaysayan ng pakikibaka ng KM para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Mula Nobyembre 30, 1964, pinatunayan ng KM ang katapatan sa pagtataguyod ng rebolusyonaryong adhikain at buong pusong isinanib ang lakas at kasigasigan sa […]
Kalayaan Central Luzon Special Issue | November 2024
Upisyal na pahayagan ng Kabataang Makabayan-Central Luzon
Panawagan ni Ka Toni, Pulang mandirigma, sa mga kabataan
Download
WELGA AT PAKIKIBAKA: Balita ng kilusang manggagawa sa Ang Bayan (1969-2024)
Sa paggunita sa ika-161 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio at Araw ng Masang Anakpawis, inihahandog ng Ang Bayan ang koleksyong Welga at Pakikibaka: Mga Balita ng Kilusang Manggagawa sa Ang Bayan (1969-2024). Laman nito ang mahigit 100 artikulo hinggil sa mga pakikibaka ng masang manggagawang Pilipino at mga rebolusyonaryong gawain ng Partido para isulong ang militanteng kilusang manggagawa sa nagdaang higit limang dekada.
Mamamayang Mindoreño, maging mga Katipunero ng bagong panahon! Isulong ang armadong pakikibaka para sa pambansang demokrasya!
Sa ika-161 na taon ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, umaalingawngaw pa rin ang panawagan ng Katipunan: Masang anakpawis, mag-armas upang makamit ang pambansang kalayaan at demokrasya! Mahigit limang siglo na ang nakararaan, nagpapatuloy at lumalala ang pagpapahirap at panunupil sa sambayanang Pilipino, higit lalo sa masang anakpawis. Ang dating kolonyal at pyudal na kaayusan sa […]