Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Dakilain ang maningning na buhay-pakikibaka ni Susan "Ka Wena" Ritual! Mahusay na Pulang kumandera, mapagmahal na doktor ng masa, kadre ng Partido't Hukbo sa Gitnang Luson
Isang huwarang rebolusyonaryong katutubong Dumagat mula sa Aurora ang namartir noong ika-28 ng Nobyembre sa Famy, Laguna habang magiting na nakikidigma sa pasistang kaaway. Mula kabundukan, karagatan, hanggang sa malawak na kapatagan ng Gitnang Luson, tumatangis ang mga masa at kasama sa kanyang pagkabuwal. Habang buhay na nakaukit sa puso ng sambayanan ang kanyang kabayanihan. […]
Kundenahin ang AFP sa pagbinbin ng mga labi ni Susan Ritual
Mariing kinukundena ng Cesar Batralo Command-NPA-Laguna ang ginawang pagbinbin ng 2nd ID, 80th IBPA at PNP sa mga labi ng rebolusyonaryong martir na si Susan Ritual/Ka Gemma na nasawi sa Barangay Bacong Sigsigan, Famy, Laguna noong Nobyembre 28. Halos tatlong araw na pinahirapan ang pamilya ni Ka Gemma sa ginawang pagkakait ng kanyang mga labi […]
Yanigin ang rehimeng Marcos II at papanagutin ang mag-amang Duterte sa mga krimen nito laban sa sambayanang Pilipino
Nararapat singilin at pagbayarin ang mag-amang Duterte sa gitna ng ibayong pagkakalantad ng kanilang mga krimen at kasalanan sa bayan at mamamayan. Garapalan ang ginawang pag-amin ni Duterte habang sumusumpang poprotektahan ang mga pulis sa ginawang pagmasaker sa mahigit 30,000 katao, karamihan ay mga inosenteng sibilyan sa balangkas ng huwad na gera kontra-droga sa panahon […]
Pag-ibayuhin ang pagtatanggol sa karapatan at sa lupaing ninuno ng katutubong Molbog!
Malugod na binabati ng NDF-Palawan ang mga katutubong Molbog sa Sitio Mariahangin, Barangay Bugsuk, Balabac, Palawan sa kanilang matapang at nagkakaisang pagharap sa mga pwersa ng pulis at armadong goons ng San Miguel Corporation (SMC) na nagpupumilit na pumasok sa kanilang komunidad. Ang pagpapalayas at pang-aatake sa komunidad ng mga katutubong Molbog ay para bigyang […]
Dapat magkaisa ang mga Masbatenyo at NPA para sa pagpapahinto ng operasyon ng Filminera Mining!
Mariing kinukundena ng mamamayang Masbatenyo ang kumpanyang Filminera Mining sa paggamit ng dahas at panlilinlang bilang bahagi ng agresibo nitong pagpapalawak ng operasyon. Nananawagan ang Jose Rapsing Command-NPA Masbate sa mga Masbatenyo na huwag magpatinag sa pandarahas at panlilinlang ng Filminera Mining at lumaban kasama ang NPA upang tuluyang mapahinto ang mapaminsalang operasyon ng kumpanya. […]