Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Pahayag ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) sa Araw ng mga Manggagawa
May 01, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka) |

Ngayong Araw ng Paggawa, pinagpupugayan ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) ang lahat ng manggagawang Pilipino sa patuloy na pagsusulong at paglaban para sa nakabubuhay na sahod, laban sa kontraktwalisasyon at pagsiil sa karapatan sa pag-uunyon. Patuloy na nakakaranas ng pagsasamantala at kaapihan ang uring manggagawa sa ilalim ng dalawang taong panunungkulan ni Marcos […]

Manggagawang Pilipino, isadiwa ang Pandaigdigang Araw Ng Paggawa! Pamunuan ang pakikibaka ng bayan para sa pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba!
May 01, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Taas-kamao at rebolusyonaryong pagbati ang ipinaaabot ng Revolutionary Council of Trade Unions-ST (RCTU-NDFP-ST), sa lahat ng uring manggagawa sa daigdig para sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Taong 1856, sinimulan ng mga manggagawa sa bansang Australia na sinundan ng mga manggagawang Amerikano noong 1886 ang taunang pagkilos sa Mayo Uno para sa panawagan na […]

Bulok na Estado, Durugin! Ibagsak!
April 30, 2024

Umaalingasaw ang matagal nang bulok at naaagnas na estado. Magbagong-bihis man ang mga nasa estado poder, hinding-hindi na gaganda ang kasalukuyang sistema. Walang ibang nararapat gawin kundi durugin ng armadong mamamayan ang bulok na estado at itayo ang demokratikong gubyernong bayan na tunay na maglilingkod sa mamamayang Pilipino. Sinasalamin ng garapalang bangayan ng pangkating US-Marcos […]

Militaristang tunguhin ng APECO, maghahatid ng ibayong karahasan at panunupil sa mamamayan ng Aurora
April 30, 2024 |

Papalalang panunupil kaakibat ng ibayong pangangamkam ng lupa sa masang magsasaka sa probinsya ng Aurora ang kahulugan ng militaristang pagpihit ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority o APECO. Kamakailan lamang ay pormal na pumasok ang APECO sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-sosyo sa Philippine Aerospace Development Corporation o PADC para simulan ang pagtatayo ng pinaka-unang […]

Kawayan ba ang sagot sa sikmurang kumakalam?
April 30, 2024 |

Magtanim ng kawayan para sa dayuhan, ito ang alok ng pamahalaan sa mga katutubong walang mailaman sa kumakalam na tiyan. Kawayan nga ba ang sasagot sa kagutuman? O ito’y bubusog lamang sa bulsa ng mga dayuhan? Ito na ba ang bagong Pilipinas? Sa ngayon, lumalala ang krisis pang-ekomomya at kitang-kita ang pagdami ng mahihirap. Milyun-milyon […]