Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ipagbunyi ang tagumpay ng NPA laban sa pasistang 80th IBPA! Ilantad ang kasinungalingan ng AFP!
Noong Enero 31, ganap na 5:10 ng umaga, binigwasan ng NAAC-NPA-Rizal ang tropa ng 80th IBPA sa Mt. Balagbag, Barangay Lukutang Malaki, Rodriguez, Rizal. Tatlo ang kumpirmadong patay (kumpara sa isa na nauna naming naiulat) sa hanay ng pasistang tropa habang ligtas na nakaatras at walang ni anumang pinsala ang yunit ng NPA. Mula Nobyembre […]
Ipagtanggol ang kalayaan at karapatan! Buwagin ang NTF-ELCAC!
Ikinagagalak ng NDFP-ST ang rekomendasyon ni UN Special Rapporteur (SR) on Free Expression and Opinion Irene Khan na pagbuwag sa NTF-ELCAC at pagbubuo ng patakaran kontra red-tagging matapos ang kanyang 10-araw na bisita sa bansa. Higit nitong palalakasin ang lehitimong panawagan mula sa mga progresibo at mga organisasyong nagtatanggol sa karapatan at kalayaan ng mamamayang […]
Doble-karang mukha ng berdugong AFP at 59th IBPA, kinasusuklaman ng mamamayan ng Batangas
Tila ibang mukha ng 59th IBPA ang mababakas sa kanilang huling mga pahayag matapos ang naganap na labanan sa Barangay Guinhawa, Taysan nitong nakaraang Pebrero 2. Nagtangkang maging malumanay at animo’y pagpapaawa sa publiko, lalo na sa mamamayan ng Barangay Guinhawa ang pahayag ng 59th IBPA. Pero tulad ng isang hunyango, magbago-bago man ang anyo […]
Ang Bayan | February 7, 2024
Ang Bayan (“The People”) is the official publication of the Communist Party of the Philippines, guided by Marxism-Leninism-Maoism. It is published by the Central Committee. AB comes out fortnightly every 7th and 21st of each month. The original Pilipino edition is translated into English, Bisaya, Waray, Hiligaynon and Iloco.
Itakwil ang bangayan ng mga pasistang pangkating Marcos at Duterte
Lubos na itinatakwil ng bayan ang bangayan ng mga pasistang pangkating Marcos at Duterte, na kumakatawan kapwa sa pinakamasasahol na burukratang kapitalista, at tagapagtaguyod sa interes ng mga malalaking panginoong maylupa at burgesyang komprador, at sa imperyalistang paghahari sa Pilipinas. Sumambulat ang sigalot nang magsalita kamakailan si Duterte laban sa itinutulak na “charter change” o […]