Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Pagtaas ng presyo at singil, sunud-sunod na humambalos pagpasok ng 2024
Sunud-sunod na hambalos ang ininda ng mamamayang Pilipino sa walang awat na pagtaas ng mga presyo ng langis at LPG, gayundin ng mga singil sa tubig at kuryente pagpasok ng 2024. Habang lalong pasakit ang dulot nito sa masa, lalong paglaki naman ng tubo ang dala nito sa dati nang bundat na mga pribadong kumpanya […]
Dedlayn sa sapilitang konsolidasyon ng PUV, muling napaatras
Natulak ng sama-samang pagkilos ng mga tsuper at opereytor, sa pamumuno ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston), Samahang Manibela Mananakay at Nagka-Isang Terminal ng Transportasyon (Manibela), at Tanggol Pasada Network, ang rehimeng US-Marcos na muling iatras ang dedlayn ng sapilitang konsolidasyon ng prangkisa ng mga public utility vehicle (PUV) noong […]
Pagpapapirma para sa chacha, sinuspinde sa gitna ng mga anomalya
Sinuspinde nang walang taning noong Enero 29 ng Commission on Elections ang proseso ng pagtanggap ng mga pirma na isinagawa ng People’s Initiative for Reform Modernization and Action (Pirma) para sa charter change (chacha) o pagbabago sa konstitusyong 1987. Taliwas ito sa unang pahayag ng komisyon na “tagatanggap” lamang ito ng mga pirma. Palusot nito, […]
Pagbuwag sa NTF-Elcac, inirekomenda ng dalawang eksperto ng UN
Dalawang eksperto na ng United Nations (UN) ang nagrekomenda ng pagbubuwag ng National Task Force-Elcac dahil sa pinsalang idinudulot nito sa mga karapatan ng mamamayang Pilipino. Noong Pebrero 2, inirekomenda ito ni Irene Khan, UN Special Rapporteur para sa malayang pagpapahayag at opinyon, matapos ang kanyang 10-araw na imbestigasyon sa Pilipinas. Bago siya, inirekomenda na […]
Mga protesta
Reporma sa lupa, giit ng mga magsasaka sa Bacolod City. Pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP)-Negros at National Federation of Sugar Workers Negros (NFSW) ang dalawang araw na aktibidad ng mga magsasaka sa Bacolod City noong Enero 23-24 para igiit ang kanilang karapatan sa lupa. Noong Enero 23, nagpiket-dayalogo sila sa Provincial Agrarian […]