Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Suportahan ang digmang bayan ng mga Palestino para sa tunay na pambansang kalayaan! Kondenahin at labanan ang gyerang mapanakop at kampanyang henosidyo ng Israel at US laban sa sambayanang Palestino!
Sampu ng buong kilusang rebolusyonaryo sa buong bansa at iba’t ibang grupo, partido at kilusan sa buong daigdig, nakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas sa Timog Katagalugan sa pagsuporta at pagpupugay sa inilulunsad na digmang bayan ng mamamayang Palestino laban sa pasista-teroristang estadong Israel. Nasa ubod nito ang aming pagkilala sa lehitimo at makatarungang pakikibaka […]
Pekeng labanan, pekeng pasuko, pekeng nahukay na armas at ang 59th IBPA bilang pekeng protektor ng mamamayan!
Walang katotohanan at gawa-gawang kwento lamang ang ipinaskil sa Facebook page ng mga bulaang sundalo ng 59th Infantry Battalion Philippine Army (IBPA) sa pangunguna ng kanilang sugapa sa perang Battalion Commander na si Ltc. Ernesto R. Teneza na may labanan sa pagitan nila at ng NPA sa Barangay Guinhawa, Taysan noong Oktubre 12, bandang 11:20 […]
Mamamayang Palaweño, padagundungin ang nagkakaisang panawagan at paglaban sa mapangwasak na pagmimina!
Daig pa ang pulubing nang-aamot ng limos, walang kahihiyang isinasangkalan ng rehimeng US-Marcos II at mga galamay nito ang dumadausdos na ekonomya upang magganyak sa mga dayuhang korporasyon sa mina na mamuhunan sa bansa. Para tugunan ang makaisang-panig na neoliberal na polisiyang ipinapataw sa mga atrasadong bayan tulad ng Pilipinas, nagpahayag ang Foreign Affairs Secretary […]
Ilehitimong rehimen at reaksyunaryong korte, tagapagtanggol ng mga berdugo
Nakagagalit ang desisyon ng Malolos Regional Trial Court nitong Oktubre 6 na ipawalang-sala ang berdugong heneral na si Jovito Palparan sa kasong isinampa sa kanya ng magkapatid at magsasakang sina Raymond at Reynaldo Manalo. Noong 2006, dinukot, tinortyur at iligal na ikinulong ni Palparan at kanyang pasistang tropa ang magkapatid na Manalo alinsunod sa mabalasik […]
Kundehain ang Israel at US sa gerang henosidyo laban sa mamamayang Palestinian
Sukdulang kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang henosidyo ng Israel na sinusulsulan ng imperyalistang US laban sa mamamayang Palestinian. Ang walang-habas na pag-misayl at pambobomba mula sa himpapawid ng Israel sa Gaza ay tumarget sa mga bahay, ospital, upisina ng midya at gusaling pangkomersyo, at kumitil sa buhay ng higit 2,300 Palestinian, kung […]