Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Ipaglaban ang isang sistema ng edukasyon na tunay na magsisilbi sa kagalingan ng kabataang Pilipino
May 10, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Kung ang kabataan ang pag-asa ng bayan, anong klaseng kinabukasan ang aasahan ng lipunang Pilipino gayong ipinagkakait ng kasalukuyang sistema sa mga kabataan ang kanilang batayang karapatan at kagalingan? Anong salinlahi ang ibubunga ng hene-henerasyon ng mga kabataang linuto sa kamangmangan at paniniwalang pribilehiyo ang edukasyon? Sa harap ng ganitong kalagayan, wasto at makatarungan lamang […]

Peace talks, hindi deklarasyong "insurgency-free"
May 09, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Nananawagan kami sa mamamayan ng Quezon na suportahan ang pag-apela sa pagpapatuloy ng naunsyaming peace talks sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines at Gubyerno ng Republika ng Pilipinas. Di hamak itong mas makabuluhan kaysa sa deklarasyon na naman ng PNP-Quezon na may mga munisipilidad sa lalawigan na “insurgency free”–wala itong saysay sa […]

Hustisya para sa panibagong 14,261 biktima ng pambobomba, panganganyon, at pag-istraping ng berdugong 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA!
May 09, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Kinukondena ng NDFP-Mindoro ang utak-pulburang 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA sa walang pakundangan nitong paghahasik ng teror at ligalig sa mamamayang Mindoreño. Dalawang magkasunod na insidente ng pambobomba at pag-iistraping ang naganap sa lalawigan ng Oriental Mindoro noong Abril 29 at Mayo 8. Unang binomba ang kabundukan sa hangganan ng Roxas at Mansalay noong Abril 29, 2023 na […]

Pinakamataas na pagpupugay at mapulang pagsaludo ng mga Sorsoganon para kina kasamang Benito at Wilma Tiamzon
May 08, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Sa ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng National Democratic Front of the Philippines, ipinabot ng NPA-Sorsogon kasama ng buong rebolusyonaryong pwersa ng prubinsya ang maalab at mapulang pagbati at pagpupugay sa lahat ng mga alyadong rebolusyonaryong organisasyon nito at sa mga rebolusyonaryo na nag-ambag at nag-aambag ng kanilang lakas at talino para sa pagsusulong ng […]

Sunud-sunod na taktikal na opensiba, inilunsad ng NPA-Southern Panay
May 08, 2023 | New People's Army | Panay Regional Operational Command (Coronacion "Waling-waling" Chiva Command) | NPA-Southern Panay | NPA-Front Twelve (Napoleon Tumagtang Command) | Ariston Remus | Spokesperson |

Matagumpay na nakapaglunsad ng mga aksyong militar ang mga yunit sa ilalim ng Napoleon Tumagtang Command, NPA-Southern Panay nitong buwan ng Mayo. Isang aksyong harasment sa CAA Detatsment sa Barangay Luyang, Sibalom, Antique ang inilunsad, alas-10 ng gabi noong Mayo 2, 2023. Nitong Mayo 5, 2023, isa namang aksyong pamamarusa ang ipinatupad ng isang yunit […]