Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Digmang bayan para sa kalayaan at demokrasya
March 07, 2023

Simulan nating gunitain ang ika-54 na taon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at ng magiting na pagsusulong ng digmang bayan sa Pilipinas. Sa Marso 29, 2023, ituon nating lahat ang ating tanaw sa landas patungo sa tagumpay habang binabalikat ang mabigat na tungkulin sa pagharap sa pasistang terorismo sa ilalim ng rehimeng US-Marcos-Duterte. Bakit may […]

RCEP, lalong wawasak sa ekonomya
March 07, 2023

Nagpahayag ng mariing pagtutol ang mga grupo ng magsasaka sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, sa pagpasok ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Niratipikahan ng Senado ang tratado noong Pebrero 23, sa botong 22-sang-ayon, 1-tutol at 1 abstensyon. Agrikultura ang isa sa pinakatatamaang sektor sa pagpasok sa RCEP, dahil sa ilalim nito […]

5 pistola at shotgun, nakumpiska ng BHB sa Canlaon City
March 07, 2023

Nakumpiska ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang apat na .45 kalibre pistola at isang 12 gauge shotgun, mga magasin at bala sa isang operasyong pagdis-arma laban kay Noleto Hermoso ng Sityo Inatito, Barangay Bucalan, Canlaon City noong Pebrero 21. Ayon sa yunit, nagtagal ng 10 minuto ang operasyon. Si Hermoso ay […]

Pag-aaral at pagsasanay, inilunsad sa Negros sa gitna ng militarisasyon
March 07, 2023

Dalawang grupo ng mga mandirigma sa Central Negros at Southwest Negros ang nakapagtapos sa Intermedyang Kurso ng Partido (IKP) sa gitna ng matinding operasyong militar noong Pebrero. Isinagawa ang mga pag-aaral sa loob ng 13 araw. Nakapagkonsolida ang puu-puong mga kasapi ng Partido, Hukbo at rebolusyonaryong organisasyong masa sa mga larangang gerilya sa gitna ng […]

Kawalang trabaho at aliping sahod ng kababaihang anakpawis sa Panay
March 07, 2023

Nagsisimula ang sahod ni Vina, isang babaeng manggagawang-bukid sa Panay, sa ₱270 kada araw. Mas mababa ito sa kinikita ng kalalakihang magbubukid na ₱350-₱400 para sa buong araw na pagtatrabaho sa sakahan. Sa isla, hindi tinatamasa ng mayorya ng mga magbubukid, babae at lalaki, ang itinakda ng gubyerno na ₱410 na arawang sahod para sa […]