5 pistola at shotgun, nakumpiska ng BHB sa Canlaon City

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Nakumpiska ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang apat na .45 kalibre pistola at isang 12 gauge shotgun, mga magasin at bala sa isang operasyong pagdis-arma laban kay Noleto Hermoso ng Sityo Inatito, Barangay Bucalan, Canlaon City noong Pebrero 21. Ayon sa yunit, nagtagal ng 10 minuto ang operasyon.

Si Hermoso ay kilalang may koneksyon sa militar at nag-iimbak ng mga armas ayon sa ulat ng BHB-Central Negros. Dagdag pa nila, nagpapaputok at nananakot si Noleto sa kanyang mga kapitbahay. Bago ang operasyon, makailang-ulit nang kinausap ng BHB si Hermoso para itigil ang kanyang anti-sosyal na gawi.

Samantala, napatay ang isang tropa ng 62nd IB sa isnayp ng BHB-Central Negros sa Sityo Batang-batangan sa parehong barangay noong Pebrero 26.

5 pistola at shotgun, nakumpiska ng BHB sa Canlaon City