Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Magtulungan ang mamamayan sa panahon ng sakuna! Igiit sa gubyerno ang pananagutan sa pagharap sa sakuna at rehabilitasyon!
Hinihikayat ng NDF-Bikol ang masang Bikolano na tulungan ang isa’t isa sa harap ng pananalasa ng superbagyong Karding. Gaya ng iba pang mga kalamidad at suliraning kinaharap ng bansa gaya ng pandemyang Covid-19, tiyak na ang pinakamalaking pinsala ay mararamdaman ng pinakamahihirap na sektor ng lipunan. Sa gitna ng sala-salabat na krisis panlipunan, ang pananalasa […]
Labanan ang panibagong bugso ng okupasyong militar sa mga komunidad sa Masbate
Sang-ayon sa hibang na layunin ni Marcos Jr. na “tapusin kaagad kung kaya” ang rebolusyonaryong kilusan, walang pakundangan ang AFP at PNP sa paghahasik ng terorismo sa mamamayan, laluna sa masang magsasaka sa Masbate. Nangangahulugan ito ng patuloy na pag-iral ng mala-martial law na kaayusan. Patunay ang panibagong okupasyong militar sa ilalim ng RCSP, muling […]
Pakilusin ang mga pwersa para tumulong sa mamamayan sa banta ng malakas na bagyo
Nananawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa lahat ng mga rebolusyonaryong pwersa, kabilang na ang lahat ng yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), sa mga lugar na dadaanan ng superbagyong Karding na kagyat na kumilos para tulungan ang mamamayan sa harap ng mataas na posibilidad ng malawakang salanta. Dapat mahigpit na bantayan ng mga […]
Ang pondong pampubliko ay para sa pangangailangan ng taumbayan hindi sa pork barrel at black budget ng pangkating Marcos-Duterte
Sadyang ang rehimeng Marcos-Duterte rehimen ay walang anuman kung hindi isang pagpapatuloy lamang ng naunang administrasyon. Kahit nga ang prayoridad nito sa pondo ay parehas ang masahol na larawang ipinipinta – mga burukrata kapitalistang kinukumpuni ang pambansang badyet para sumang-ayon sa kanilang adyenda ng walang sagkang korapsyon at pasismo. Wala talagang hiya ang pangkatin ng […]
Ang Bayan Compilation | Mga Masaker sa Panahon ng Batas Militar
Bilang bahagi ng paggunita sa ika-50 taon ng deklarasyon ng batas militar, isang serye ng mga artikulo sa Ang Bayan ang inilabas sa nagdaang mga buwan na nagbalik-tanaw sa mga kaso ng karumal-dumal na mga pagmasaker. Ang mga krimen na ito ay nagtatampok sa brutalidad ng paghaharing diktador ni Marcos Sr at ng kanyang mga pasistang tauhan sa AFP-PC-INP. Wala ni isa ang naparusahan sa mga krimen na ito.