Pakilusin ang mga pwersa para tumulong sa mamamayan sa banta ng malakas na bagyo

Ang artikulong ito ay may salin sa English

Nananawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa lahat ng mga rebolusyonaryong pwersa, kabilang na ang lahat ng yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), sa mga lugar na dadaanan ng superbagyong Karding na kagyat na kumilos para tulungan ang mamamayan sa harap ng mataas na posibilidad ng malawakang salanta.

Dapat mahigpit na bantayan ng mga organisasyong masa, gayundin ng mga yunit ng BHB ang sitwasyon sa kani-kanilang lugar at magpaabot ng lahat posibleng porma ng tulong sa mamamayan, kabilang na ang pag-evacuate mas ligtas na mga lugar at mga pagsagawa ng search and rescue. Ang lokal na organisadong pagkilos ay lubhang magiging importante sa ganitong kalagayan.

Paglisan ng bagyo, dapat kagyat na tasahin ng mga komite ng Partido at organisasyong masa ang pinsala at gumawa ng kagyat na mga hakbang para tulungan ang mamamayang makaagapay sa kanilang pagkasalanta.

Nananwagan kami sa lahat ng yunit ng BHB at sa masa na gawin ang lahat ng kinakailangang pag-iingat sa harap ng panganib ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa.

Pakilusin ang mga pwersa para tumulong sa mamamayan sa banta ng malakas na bagyo