Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ninakaw na eleksyon
Kumbinsido ang mga eksperto ng nagdaang eleksyon na nagkaroon ng election rigging o malawakang pandaraya sa eleksyon para paboran si Ferdinand Marcos Jr. Naisagawa ito sa pamamagitan ng pagprograma ng mga vote counting machine (VCM) para awtomatikong magdagdag at magbawas ng boto pabor kay Marcos. Kabilang sa mga eksperto sa teknolohiya at eleksyon sina dating […]
Tumatabo ng tubo sa langis ang mga imperyalistang kumpanya
Habang lubog sa kahirapan ang mayorya ng mamamayang Pilipino dahil sa pagpaimbulog ng presyo ng mga produktong petrolyo, lumulutang naman sa tubo sa langis ang malalaking imperyalistang bangko at ahensya sa pinansya at mga dambuhalang kumpanya sa langis. Sa nakaraang mga linggo, umaabot na sa halos ₱100 kada litro ang presyo ng gasolina, doble sa […]
Hacienda Tinang: Larawan ng huwad na reporma sa lupa
Halos 100 magsasaka at kanilang mga tagasuporta ang iligal na inaresto noong Hunyo 9 sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac. Ang 83 sa kanila ay kinasuhan ng illegal assembly at malicious mischief. Apat na araw silang dumanas ng pagpapahirap mula sa mga pulis bago napalaya sa pamamagitan ng pagpyansa ng mahigit isang milyon noong Hunyo […]
Makasaysayang protesta, pilit na binubura
Itinaas na ang antas ng kampanya para burahin ang mapapait na alaala ng 14-taong paghaharing militar ng diktadurang US-Marcos I ngayong nakabalik na sa estado-poder ang kanilang pamilya. Pinili ni Ferdinand Marcos Jr ang National Museum sa Lungsod ng Maynila bilang benyu ng kanyang inagurasyon bilang ika-17 presidente sa Hunyo 30. Aniya, ito ay dahil […]
Tagapagtanggol ng kalikasan, inaresto
Iligal na inaresto ang tagapagtanggol ng kalikasan na si Vertudez “Daisy” Macapanpan, 68, sa Barangay Burgos, Pakil, Laguna noong Hunyo 11. Dinumog ang kanyang tahanan ng 40 na elemento ng mga yunit ng pulis. Katatapos lamang niya noong magbigay ng pahayag sa isang pagtitipon laban sa mapanirang Ahunan Pumped-Storage Hydropower Project na planong itayo sa […]