Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Mga protesta
Makatwirang benepisyo sa Asia Brewery. Nagpiket noong Setyembre 1 ang mga manggagawa ng Asia Brewery sa Cabuyao, Laguna para igiit ang nakabubuhay na sahod at benepisyo. Mahigit walong buwan na ang negosasyon ng mga manggagawa at maneydsment hinggil sa kanilang collective bargaining agreement. Ayon sa mga manggagawa, patuloy ang kanilang operasyon kahit sa gitna ng […]
Sa madaling salita
Nakasusulasok na korapsyon ni Duterte
Hindi na napipigilan ni Rodrigo Duterte ang pag-alingasaw ng baho ng kanyang rehimen. Sa nagdaang mga linggo, tuluy-tuloy na nabubunyag ang malalaking kaso ng pangungulimbat ng pondo ng pinakamalalapit niyang alipures at kasosyong tiwaling negosyante. Sa simula pa lamang, nagmaniobra na si Duterte para kopohin ang bilyun-bilyong pondo sa ngalan ng pagsugpo sa Covid-19. Ipinasa […]
Pondo sa kontra-insurhensya, winawaldas
Isa sa madaling mabatid sa inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA) ang kriminal na pagprayoridad ng rehimeng Duterte sa sektor ng depensa at gera kontra-insurhensya sa gitna ng matinding krisis pangkalusugan. Liban sa napakalaking pondong hindi pa natutuos ng militar at pulis, sunud-sunod na ibinunyag ng COA ang iligal na pagkopo ng National […]
Mga Palaweño, pinagkakaitan ng ayuda
Dumaranas ng hirap at gutom ang mamamayang Palaweño dahil sa sunud-sunod na lockdown sa prubinsya. Dagdag dito ang pasikut-sikot, mabagal at hindi patas na sistema ng pamamahagi ng Special Amelioration Program (SAP) at iba pang ayuda mula sa mga ahensya ng reaksyunaryong gubyerno. Liban sa mga reklamo, tadtad din ng mga alegasyon ng korapsyon at […]