Ang panghihimasok ng Japan sa teritoryong pandagat ng China ay nagpapataas ng tensyon sa rehiyon

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Binabatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang imperyalistang Japan sa walang pakundangan pang-uupat nito sa China nang maglayag noong Hulyo 4 ang Suzutsuki naval destroyer ng kanyang Maritime Self-Defense Force (SDF) sa teritoryong pandagat ng China, sa loob ng 12 nautical miles mula sa silangang baybayin ng lalawigan ng Zheiyang, kung saan nagsasagawa ang China ng mga military drill at live fire exercises.

Dahil sa alyansa sa imperyalismong US, lumakas ang loob ng Japan at buong kahambugang nanghimasok sa loob ng teritoryong pandagat ng China, na lalong nagpatindi ng tensyon sa rehiyon. Dapat magbantay ang mamamayang Pilipino sa pagiging lalong agresibo ng Japan. Dapat puspusan nilang tutulan ang Reciprocal Access Agreement (RAA) na magpapahintulot sa Japan, kasama ang US, na gamitin ang Pilipinas bilang lunsaran ng kanilang agresyon.

Ang panghihimasok ng Japan sa teritoryong pandagat ng China ay nagpapataas ng tensyon sa rehiyon