Batas Militar sa Masbate mula noon magpasahanggang ngayon
Hinding-hindi makakalimutan ng masang Masbatenyo ang madilim na panahon sa ilalim ng Batas Militar ng dating diktadurang rehimeng Marcos Sr. Ang kawalan ng katarungan sa mga biktima ng karumaldumal na pamamaslang sa mga kritiko at progresibong mga sektor. Malawakang kawalan ng lupa at kabuhayan dulot ng tumigang na krisis sa bansa bunsod ng malawakang kurapsyon ng dating diktadura at pagkabaon sa dayuhang utang ng bansa.
Ngayon, unti-unting nanunumbalik ang madilim na panahong labis na ikinababahala ng masang Masbatenyo. Sa pagbibigay-pahintulot at pakikipagsabwatan ni Bongbong Marcos Jr sa mga dayuhang korporasyon, rantsero at mga lokal na naghaharing-uri, lumalala ang kawalan ng kabuhayan at lupa sa prubinsya.
Nakaambang bombahin ng Filminera-Masbate Gold Project katuwang ang 2nd Infantry Battalion Phil. Army ang kabundukan sa bayan ng Uson, Mobo at Milagros. Dadambungin nito ang tone-toneladang likas na yaman ng naturang kabundukan tulad ng ginawa sa bayan ng Aroroy at Baleno.
May mga itinayo ring mga plantasyon ng hybrid solar energy ang kumpanyang David M. Consunji Inc. (DMCI) sa mga bayan ng Cataingan, Pio V. Corpus at Mobo na nag-ookupa sa iilang ektaryang sakahan ng mga magsasaka.
Muli ring nakapanumbalik ang malawakang pagrarantso sa prubinsya sa pangunguna ng pamilyang Kho, isa sa pinakapinapaborang pulitiko ni Marcos Jr sa Masbate.
Upang hadlangan ang paglaban ng masang Masbatenyo sa mga mapanirang korporasyon at pagdambong ng kanilang kabuhayan ay naghahasik ng kaguluhan at karahasan ang militar, pulis at CAFGU sa Masbate. Isinailalim sa batas militar at nagtayo ng mga ditatsment at kampo sa mga lugar na pinaniniwalaan nilang malakas ang impluwensya ng rebolusyonaryong kilusan. Pinatatahimik at sapilitang pinasusunod sa kanilang kagustuhan ang mga komunidad at pinapaslang ang sinumang pumalag at manlaban. Inaalisan ng otoridad ang mga lokal na upisyal ng gubyerno upang ipagtanggol ang kanilang nasasakupan at inaakusahang tagasuporta ng NPA.
Nahaharap sa ngayon ang masang Masbatenyo sa malawakang pangangamkam ng lupa at kabuhayan na maglilibing sa kanila sa matinding kagutuman at pagdurusa kung hindi sila kumilos at makibaka. Tuluyang mabubura sa kasaysayan ang Masbate at walang anumang matitira sa susunod na henerasyon ng Masbatenyo kung hindi sila kikilos laban sa pagwasak at pagdambong ng prubinsya.
Sa harap ng lumalaking banta sa kabuhayan at buhay sa ilalim ng malawakang pamamaslang at atakeng neoliberal sa prubinsya, lalong higit na lumalaki ang pangangailangang palakasin ang pagsuporta at paglahok sa armadong paglaban ng masang Masbatenyo.
Hindi sa takot madudurog ang kaaway. Hindi makakamit ang hustisya at katarungan. Hindi matitigil ang pagdambong sa buhay at kabuhayan ng mamamayan. Kailangang lahatang-panig na kumilos at lumaban! Itakwil ang anumang pakana ng rehimeng Marcos Jr kasabwat ang mga dayuhang korporasyon, lokal na naghaharing-uri at rantsero sa Masbate.
Dapat balik-aralan ang kasaysayan ng paglaban ng masang Masbatenyon sa prubinsya kung saan unti-unting napahina ang kapangyarihan ng mga lokal na naghaharing-uri at rantsero. Napasakamay ng mga magsasaka ang mga malalawak na lupain at naitayo ang mga organo ng kapangyarihang pamputika ng masa sa kanayunan.#