Bukas na liham para sa mga tumiwalag sa rebolusyonaryong landas at sumurender sa reaksyonaryong gobyerno

Para sa mga tumiwalag sa rebolusyonaryong landas at sumurender sa reaksyonaryong gobyerno,

Batid ng mga kasama na ang ilan sa inyo ay dating mga kasama na hindi kinayang sundin ang rebolusyonaryong patakaran. Hndi kinayang harapin at tanggapin ang aksyong pandisiplina at magwasto sa pagkakamali. Ang iba ay masa na hindi pa lubos nauunawaan ang layunin ng rebolusyonaryong kilusan at nalinlang sa mga kasinungalingan estado, lokal naghaharing-uri at military. May nasilaw din sa pera at umano’y magandang buhay kung magbabalik loob sa reaksyonaryong estado dulot ng tumitinding krisis sa ating bansa. Marami din sa inyo ang napilitang sumurender. Sino ba naman ang hindi mapilitang sumurender kung may nakatutok nab aril,pinagbabantaan at tinatakot? Matapos ay sapilitang pinapapirma sa mga blangkong papel at pinagbibitbit ng placard na kumukundena sa rebolusyonaryong kilusan . Ito ang paraan ng military upang makamal nila bilyong piso na pondo ng Enhance Comprehensive Livelihood Program o E-CLIP.

Subalit walang garantiya ang kaligtasan at kabuhayan niyo sa pagpapagamit sa kaaway upang ilarga ang mga proyektong neo-liberal at “pangkabuhayan”sa halip ay nililinlang kayo ng estado., lokal na naghaharing-uri at military gamit ang proyektong ito. Ginagamit lamang kayong kasangpana upang dambungin at wasakin ang kabuhayan ng masang anakpawis. Bibigyang daan lamang nito ang mga proyektong eko-turismo, mina, at rantso na kayo din naman ang mapipinsala. Mas Malala pa anumang oras na wala na kayong pakinabang ay mas madali na sa estado at militar na kayo’y paslangin . Ganito kabulok ang reaksyunaryong estado na nais ibagsak ng armadong rebolusyon.

Lahat kayo ay ginagawang kasangkapan ng estado, lokal na naghaharing-uri at military para sa kanilang interes at pakinabang. Pinasasabay at ginagawang giya sa kanilang operasyon. Pinapaloob sa intel at armadong tauhan tulad ng Cafgu at Alsa Masa.

Ginagamit di kayo upang dambungin ang lupang sakahan ng kapwa niyo magsasaka, palayasin o kaya’y paslangin sila. Maaaatim ba nninyo na gamitin kayo laban sa kapwa niyong anakpawis?

Paghalawan niyo ang aral na nangyari sa Brgy. Kapitan ng Brgy. Dalipe ,Cawayan na si Adriel Boyet Besana na hinatulan ng pinakamataas na parusa ng hukumang bayan. Matagal nang naging kasangkapan si Besana ng militar at estado upang dambungin ang lupang sakahan ng mga magsasaka at pagkaitan ng kabuhayan at kapayapaan. Iginawad ng pulang hukbo ang parusang matagal ng kahingian nang masang Masbatenyo lalo na ng masang magsasaka.

Lahat tayo ay pare-parehong biktima ng bulok na estado kung kaya iisa ang ating kalaban, ang reaksyonaryong estadoat lokal na naghaharing-uri na kumakamkam sa inyong lupang sakahan at kabuhayan at kanilang mga ulol na pasistang military. Hindi kalianman malulutas ng bulok na estado ang pundamental na suliranin ng bansa. Mananatiling pundamental na suliranin ng masang magsasaka ang kawalan ng lupang sakahan at kawalan ng hanapbuhay, maging ang nagpapatuloy na pagdambong ng estado at lokal na naghaharing-uri sa lupain ng mga magsasaka. Kaya umaasa ang JRC-BHB Masbate na magpanibagong hanap buhay kayo. Maraming ibang trabaho na hindi magdudulot nang kapahamakan sa inyong buhay.

Ang pagpapabagsak sa imperyalismo, burukrata-kapitalismo at pyudalismo ang pundamental na layunin ng rebolusyonaryong kilusan. Ito ang matibay na haligi ng reaksyonaryong estado sa pagsasamantala at pang-aapi sa mamamayang Pilipino. Kailangang magkaisa ang sambayanan, higit sa lahat ang masang anakpawis upang ibagsak ang tatlong salot na ito.

Hinihikayat din ng JRC-BHB Masbate ang mga tumiwalag sa rebolusyonaryong landas at “sumurender” sa reaksyonaryong estado na huwag nang magpalinlang at maging kasangkapan laban sa kapwa niyo at sa rebolusyonaryong kilusan. Kung may hinanakit man sa sinumang kasama ay maaari niyong paabutan o punahin. May demokratikong kalayaan ang sinuman sa atin na pumuna sa may nagawang pagkakamali, pangibabawan lang ang pagiging liberal at kalian man hindi sagot ang pagtiwalag ng landas. Magkasama dapat tayo magtulungan at labanan reaksyonaryong estado, lokal na naghaharing-uri at pasisitang militar upang ibagsak at baguhin ang bulok na Sistema ng ating bansa. Nasa kamay ng sambayanang lumalaban ang pagkamit sa tagumpay ng armadong rebolusyon. Ito ang tanging solusyon sa pundamental suliranin ng ating bansa at mamamayang Pilipino. #####

Bukas na liham para sa mga tumiwalag sa rebolusyonaryong landas at sumurender sa reaksyonaryong gobyerno