Ilitaw si Marlo Turbanada, kabataang magsasaka ng Palapag!

,

Mariing kinokondena ng Rodante Urtal Command-BHB-Northern Samar ang ilegal na pag aresto at ginawang mental at pisikal na tortyur ng mga tropa ng 74th IB kay Marlo Turbanada ng Sityo Canonghan, Osmeña, Palapag, Northern Samar noong Hulyo 8, 2024.

Si Marlo Turbanada, isang kabataang magsasaka ng nasabing sityo, kasama si Ryan Arnesto ay dinakip sa koprasan ng Barangay Osmeña habang kumukuha ng uling. Si Turbanada at Arnesto ay parehong residente ng nasabing sityo at kamag-anak ng mga menor de edad na iligal na inaresto ng tropa ng 74th IB noong June 2. Katulad ni Arnesto ay tumutulong din siya para mabawi ang mga sibilyang dinakip ng militar.

Ayon sa ulat, buhay ngunit matinding tortyur ang dinanas ni Turbanada sa kamay ng pasistang kaaway. Nakita siyang kasama ng tropa ng 74th at pilit na ginagawang giya sa mga combat operations.

Ilitaw si Marlo Turbanada! Hustisya sa lahat ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa bayan ng Northern Samar!

Ilitaw si Marlo Turbanada, kabataang magsasaka ng Palapag!